"Fourteen na yung panganay ko, yung pangalawa ko nine na so... e tayong mga magulang kahit anong laki ng mga anak natin ang tingin natin, baby pa rin, hindi ba? So you feel a little sad kasi ang lalaki nila. Parang 'Saan napunta yung panahon?' Kaya ang sabi ko talaga sa sarili ko, habang lumalaki itong mga batang ito, I will really really spend more time [with them], iyon ang panata ko," says Ogie Alcasid after a recent visit to his kids Leila and Sarah in Australia.

 

 

Photo: Noel Orsal

Limang araw namalagi sa Australia si Ogie Alcasid upang bisitahin ang mga anak niyang sina Leila at Sarah.

They are his daughters from his previous marriage with former Miss Australia Michelle Van Eimeren, who, like Ogie, has happily re-married.

Ayon pa sa report ng Startalk TX kahapon, Sabado, January 14, ipinakilala ni Ogie sa pamilya sa Australia—sa pamamagitan ng mga litrato—ang kanyang anak sa asawang si Regine Velasquez, na si Nathaniel James or baby Nate.

"Siyempre, ipinakita ko yung mga pictures at nagkukuwento ako [tungkol] sa kapatid nila at sabi naman nila... sabi nung panganay ko medyo hawig daw niya nung baby, which is true nga, medyo yung features parang magkahawig sila," ayon sa taped interview ng Startalk kay Ogie.

Hindi raw naiwasang maging emosyonal ng singer-songwriter nang mapansin ang mabilis na paglaki ng mga anak na babae.

"Fourteen na yung panganay ko, yung pangalawa ko nine na so... E, tayong mga magulang kahit anong laki ng mga anak natin ang tingin natin, baby pa rin, hindi ba?

"So you feel a little sad kasi ang lalaki nila. Parang 'Saan napunta yung panahon?'

"Kaya ang sabi ko talaga sa sarili ko, habang lumalaki itong mga batang ito, I will really really spend more time [with them], iyon ang panata ko.

"Lalo na this year 2012, I will spend more time with the kids."

In his absence, katuwang ni Michelle ang asawang si Mark Morrow sa pagsubaybay sa mga bata, lalo't di malayong may manliligaw na sa panganay ni Ogie na si Leila.

"Yung pagkakaroon ng boyfriend, well, may panahon naman yan, e.

"At tsaka laging sinasabi sa akin ni Mark na handa na raw yung shotgun niya," ang tumatawang sinabi ni Ogie.

"So habang wala ako doon e... well, iyon naman ang lokohan namin.

"I'm very proud of Michelle kasi nung nag-visit ako sa kanya talagang very prosperous yung kanyang negosyo.

"It's called Affair with George, isa po siyang very accomplished florist."