Last year, Christian Bautista staged a concert on Valentine's Day.
Ngayong taong ito, isang post-Valentine concert naman ang gagawin niya kasama sina Karylle at Nanette Inventor sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World.
Ang title ng concert? Love and Laughter, na itatanghal sa February 29.
Sa dami ng mga projects na pinagsamahan nina Christian at Karylle, ito ang kauna-unahan nilang concert together.
Sa press conference ng Love and Laughter noong Biyernes, January 13, na ginanap sa The Terrace ng Maxim's Tower, kinuwento ni Karylle kung gaano kasikat si Christian sa Indonesia.
Nagtilian daw ang mga Indonesians pagdating ng singer sa airport.
Si Christian naman, sinuklian ito ng, "Ano pa ba naman ang hindi magagawa ng isang Karylle? Lahat kaya na niyang gawin. At alam na alam ng taong bayan 'yan.
"Pero ang gusto kong malaman nila, isa siyang mabuting kaibigan. At katulad nga ng sinabi niya, nagsimula kami halos at the same time."
Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Christian na niligawan niya si Karylle.
"Well, I did try naman. At least, good friends kami ngayon at yun ang pinaka-importante."
Bakit ngayon lang niya inamin na nag-try pala siya?
"Pasensiya na lang po, sa amin na lang po yun. Pero, lumabas kami, na-discover namin, we're okay as friends," natawa niyang sabi. "Up to now, we're still friends."
Marami naman ang natawa nuong sinabi ni Christian, "Siguro parang John Lloyd [Cruz]-Bea [Alonzo]. Noong time nila—hindi ko alam—noong time nila, sila ba? Hindi natin alam.
"But what I'm trying to say is, sometimes, there are two people, you see them in a movie, a concert, a show, and you'll think [they're perfect together]... but in real life?"
John Lloyd at Bea ba talaga ang peg niya?




0

