Arci Muñoz gets Vic del Rosario to co-manage her; wants to be an actress and a rock star

Rey Pumaloy
Monday, January 16, 2012 @ 12:15PM  |  169 views

 

Arci Muñoz on having Viva boss Vic del Rosario and Annabelle Rama as her managers: "Siyempre, I'm very, very glad na napansin ako ni Boss Vic. Kasi for me, napakalaking pangalan ng isang Boss Vic sa industriya natin. Napakalaki ng isang Boss Vic. E, Tita Annabelle pa. They'll gonna be handling my career pa. And I trust them. Kung anuman ang mangyari sa itatakbo ng career ko, pasasalamatan ko si Lord for giving them to me. Na ibinigay sa akin ni Lord yung dalawang managers na yun para alagaan ako. It means, may patutunguhan ako."

Photo By: Noel Orsal













May rason ang kaligayahang nararamdaman ngayon ni Arci Muñoz dahil sa mga sunud-sunod na malalaking pangyayari sa kanyang showbiz career.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci matapos ng guest appearance niya sa Paparazzi kahapon, January 15, sa studio ng TV5, masaya itong ibinalita ang ilang nangyayari sa buhay niya.

Una na, sa Sinulog Festival daw ng Cebu idinaos ang kanyang 23rd birthday celebration, noong Huwebes, January 12.

Kuwento ni Arci, "Nagbigay sila sa akin ng surprise birthday celebration, tapos may cake.

"Sa presscon ginawa yung surprise birthday celebration sa akin. 

"May presscon kasi doon lahat ng TV5 artists na nag-Sinulog."

NEW MANAGER. Sigurado ring mas magiging abala si Arci ngayong 2012. 

May lalabas na siyang serye, ang Felina, at napipinto rin ang paggawa niya ng record album at pelikula.

Ibinalita rin niyang dalawa na ang managers niya ngayon: kung dati ay si Annabelle Rama, ngayon ay si Annabelle Rama at ang Viva Films' big boss na si Vic del Rosario.

Si Boss Vic ay manager din nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes, at nitong huli ay ang nagbalik-Viva na si Megastar Sharon Cuneta.

Ayon kay Arci, "Si Boss Vic ang magha-handle ng recording, movie, and endorsements.

"Bale, si Tita Annabelle ang TV.

"Siyempre, pag may nag-offer kay Tita Annabelle na movie, kakausapin niya si Boss Vic. 

"'Ano? Okey ba ito?' Parang gano'n. 

"Basta, co-manage ako ni Boss Vic at ni Tita Annabelle."

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name