Noong January 12, Huwebes, ay nagdiwang si Piolo Pascual ng kanya 35th birthday.
Sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersiya ni Piolo noong isang taon—partikular na ang breakup nila ni KC Concepcion—masaya pa ring ipinagdiwang ng aktor ang kaarawan niya dahil sa pagsorpresa ng mga taong malalapit sa kanya.
Kuwento ni Piolo sa The Buzz kahapon, January 15, "There's a surprise party for me.
"So exciting, hanggang umaga kami.
"Nagkantahan lang ang mga kapatid ko kasi my family are still here.
"Lahat ng pamangkin ko, nandoon and they stayed up until midnight.
"So, it was a family event."
Yun nga lang, hindi nakasama ni Piolo ang kanyang anak na si Inigo.
"Unfortunately, hindi siya nakauwi kasi ilang weeks lang ang bakasyon from school for Christmas break.
"This June na lang, sa graduation niya. We're looking forward to it.
"So, by June, magbabakasyon siya rito," banggit ni Piolo.
KC'S "GREETING." Sa isang banda, pinag-usapan din ang naging Twitter post ng dating girlfriend ni Piolo na si KC noong mismong araw ng birthday ni Piolo.
Ayon sa tweet ni KC: "Happy New Year & a Happy Birthday to all January celebrants!"
Para sa ilan, tila hindi direktang pagbati ito ni KC sa kaarawan ni Piolo.
Nang tanungin kung ano ang naging reaksiyon ni Piolo sa "pagbati" ni KC, isang napakaikli pero nakangiting sagot lang ang ibinigay nito: "Thank you."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
86 hooney
85 lynn_q8
84 D_katie
83 superbeki
82 mercitaga
81 superbeki
80 gossip90
79 xelamikila
78 lynn_q8
77 tgif
76 imayberight
75 angelkhan
74 tgif
73 alvase
72 oneworld
71 oneworld
70 oneworld
69 MissHugoBacungan
68 jeac3
67 song751
more comments