Sarah Lahbati still being courted by Derrick Monasterio, but says she has no time to entertain suitors

Ruben Marasigan
Monday, January 16, 2012 @ 08:27PM  |  477 views

 

Sarah Lahbati on being courted by Derrick Monasterio: "Hindi naman po ako deadma! Natutuwa ako na nandiyan siya. Pero ano po...talagang busy kami pareho sa work. Wala kami parehong time sa gano'ng mga bagay."

Photo By: Noel Orsal













Hindi pa masabi ni Sarah Labati ang eksaktong petsa, pero nakatakda siyang umalis patungong Switzerland sa February.  

Magkakaroon kasi siya doon ng Valentine concert kasama ang nali-link sa kanyang si Derrick Monasterio at ang ka-batch niya sa StarStruck na si Enzo Pineda.

One week daw ang ilalagi nila sa Switzerland, kung saan nakabase ang mga magulang ni Sarah. 

Pinay ang ina ni Sarah at Moroccan naman ang kanyang ama.

Bukod sa pagkakaroon ng concert, hindi pa masabi ni Sarah kung ano ang kanyang itinerary para makapag-bonding sila ng kaniyang pamilya sa isang linggong pamamalagi niya sa Switzerland.   

Nang mag-decide kasi siyang pasukin ang showbiz pagkatapos ng StarStruck, nagpaiwan na si Sarah sa Pilipinas sa pangangalaga ng mga kamag-anak nila.

Kuwento ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Gusto nga ng dad ko, mamasyal kami at mag-travel sa Italy, France, at saka sa Morocco kung kakayanin at may time.

"Pero sabi ko, one week lang ako sa Switzerland. Paano namin gagawin 'yon?

"'Tapos, may concert pa nga. 

"And then, Valentine's, siyempre 'yong parents ko, magdi-date.

"So, sabi ko, 'Sige, bahala na.' Good luck!

"Pero ano...ita-try ko pong i-extend kung papayagan ako ng GMA. Kung puwede. 

"Kahit two weeks lang.

"Sa Valentine's day, since may concert kami, magkakasama kami nina Enzo at Derrick. 

"Kasama rin ang mga mommy nila, 'tapos parents ko rin.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

22 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name