"Tapos nag-rock climbing ako. Rapelling.
"At kain nang kain!" sabay tawa niya.
Ayon pa kay Solenn, "Ang pinaka-na-enjoy ko, 'yong glacier at climbing.
"Kasi you have to put parang spikes sa sapatos, 'tapos you just hike for one hour and a half."
Nagkaroon daw sila ng sapat na panahon na makapag-bonding nang husto ng kanyang boyfriend.
Hindi naman daw niya na-miss ang kanyang family dahil two weeks lang ang itinagal niya sa Argentina.
"Dati, when I lived five years sa Paris, I see my parents twice a year... ganyan. Sanay ako na gano'n," aniya.
Kasama na ba niyang bumalik ng Pilipinas ang kanyang boyfriend?
"Hindi. Nando'n pa siya. May trabaho pa siya doon."
MI FAMILIA. Kumusta naman ang pag-estima sa kanya ng pamilya ng boyfriend niya?
"Ako naman, I get along with anyone. So, I don't really get nervous.
"'Tapos, they don't speak English so..." at natawa ang dalaga.
"So, 'yong conversation namin, tina-translate lang ng boyfriend ko.
"'Tapos nagkakaintindihan kami ng konti kasi 'yong mix ng Spanish at French, puwedeng magkaintindihan."
Marunong magsalita ng French si Solenn, bilang half-French siya on her father's side.




0

