news

Carmina Villarroel returns to Kapamilya network; looks forward to working with Kim Chiu

by Elli Alipio posted on January 17, 2012  STATS: 2031 Views | 95 Comments

 

Carmina Villarroel on signing up with ABS-CBN: "I'm really happy that 'yon, that I'm back here sa aking tahanan kung saan ako nagmula."

Photo By: Noel Orsal

Pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang nagbabalik-Kapamilyang Carmina Villarroel.

Noong December 23 lamang ay ini-report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng PEP Alerts, ang kumpirmadong paglipat ng TV host-actress mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.

Nakipagpirmahan din sa contract ni Carmina kahapon, January 16, ang executives ng ABS-CBN na sina Ms. Cory Vidanes (channel head) at Ms. Linggit Tan (entertainment head).

Dumating din ang kaibigan niyang si Janice de Belen, na una nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN noong nakaraang taon.

Isa sa mga nakalinyang proyekto ni Carmina sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN ay ang talk show na pagsasamahan nila ni Janice.

Matatandaang nagkaroon ng long-running morning talk show noon sina Carmina at Janice, kasama si Gelli de Belen, sa GMA-7—ang SiS.

Nasa TV5 na ngayon si Gelli.

Biro pa nga ni Carmina kay Janice pagkatapos nilang magyakapan, "We're so back!"

Bukod sa talk show niya with Janice, nakatakda ring gumawa ng teleserye si Carmina sa ABS-CBN.

KAPAMILYA AGAIN. Noong 1991 ay inilunsad si Carmina sa sitcom ng ABS-CBN na Palibhasa Lalake.

Nakasama niya rito sina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Anjo Yllana, ang yumaong si Miguel Rodriguez, Amy Perez, Cynthia Patag, at si Ms. Gloria Romero.

Noong 2003 ay lumipat si Carmina sa GMA-7 at nanatili siya ng walong taon.

Ang huli niyang programa sa Kapuso network ay ang afternoon soap na Pahiram Ng Isang Ina at ang reality-comedy show na Pepito Manaloto.

Ano ang kanyang pakiramdam na Kapamilya siyang muli?

"I'm really happy that 'yon, that I'm back here sa aking tahanan kung saan ako nagmula.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

95 Comments

  • 35  gopinoy

    01/17/2012 | 12:26 PM
    yehey love her a lot! bagay kayo talaga ni kim in a teleserye... iyakan yan huhuhu welcome back home!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  MissHugoBacungan

    01/17/2012 | 12:22 PM
    Gumising Ka Maruja, in the future, don't ever mention to me that I did not warn you Carmina. Di ba nung nandun ka pa sa ABS CBN kayo nagkakilala ni GandangHari? Dun ba nagsimula ang Calvario mo? Aminin. Well, some people never learn naman talaga. Be thankful ka sana lagi sa GMA7 dahil dun mo nakita at nakuha ang mga blessings mo like new family, resurrected career, more fame and more money. Ano na nga ba si Valerie ngayon sa ABS CBN. Since 2007, nakakailang teleserye LANG ba ang ang nag transfer na Darna 2005? Remember ang hindi kumilala ng UTANG na loob, nababaon sa utang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  alimango21

    01/17/2012 | 12:20 PM
    bkit hindi np-post ang comments ko????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  purong_kapamilya

    01/17/2012 | 12:20 PM
    Lagay nyo nalang si MR sa lahat ng teleserye nyo hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  alimango21

    01/17/2012 | 12:08 PM
    teka, gusto mo mktrabaho c Kim Chui,,, db dati may picture si BB Gandang Hari n hawig ni Kim... uuuuuuuuuuuy,,, n-miss mo c BB G noh. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  alimango21

    01/17/2012 | 12:07 PM
    goodluck Carmina... kapusos are not bitter s paglipat mo, mostly are just telling the possibilities... hehehe. nweys, wishing u all the best there... atleast, for once nging kapuso ka at nakatikim k ng pag angat ng karir... so sana, masustain ng ABS un... gudluck ulet.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  purong_kapamilya

    01/17/2012 | 12:04 PM
    Matanso??may zoren na si mina tapos matanso..hahaha ano sya parang MR lang na makiri.hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  purong_kapamilya

    01/17/2012 | 11:56 AM
    Welcome back MINA..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  iam_a_tvfan

    01/17/2012 | 11:50 AM
    goodluck na lang sau Carmina and INGAT ka jan, baka matanso... bumabaha ang ng mga juding jan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  merlion_25

    01/17/2012 | 11:47 AM
    pang character actress na lang ngayon si Carmina.. lipat dito , lipat doon. sunod na lipat nyan sa tv5 naman. then balik sa GMA7 for mother or sister roles. The likes of Janice, Alfred Vargas, Camille, Patrick, Mellisa Ricks, etc etc. ang isa dito halatang nanonood ng GMA7 shows. alam na alam ang kwento ng mga shows ng Kapuso network. Kaya tuloy nilalangaw mga shows ng Dos, nood kasi kayo ng nood sa channel 7. hahahaha. Mabuhay ang GMA7 via GMA Pinoy Tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  lhes2004

    01/17/2012 | 11:41 AM
    welcome back carmina!!! afterall sa kapamilya network ka nagsimula!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  GlvnteGzon_MagicMagic_EngEng

    01/17/2012 | 11:33 AM
    Magtigil na kayong mga papaitang kapucho-pucho. Ayaw na kasi ni Carmina sa GME kasi chaka daw at no class. Ang baho at mainit pa ng studio sa kamuning. Puro lang naman starlets ang nandun. Matatabunan na kayo ng TB-payb. Atupagin nyo nalang ang Legacy nyong todo-kopya sa The Other Woman at Magkaribal. Duhh! Bitter nyo masyado kasi nilayasan na naman kayo ng isang Carmina, at susunod na rin si IZA. Behh buti nga sa inyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  GlvnteGzon_MagicMagic_EngEng

    01/17/2012 | 11:19 AM
    11 Hugo, tunay ka ngang kapamilya.. Keep on following our stars ateh. Starlet kasi halos lahat sa gme.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  shellphone

    01/17/2012 | 11:16 AM
    pwede silang magsama ni KIm , nanay si Carmina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  paraquepa

    01/17/2012 | 11:13 AM
    ang daming bitter
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  merlion_25

    01/17/2012 | 11:05 AM
    good luck Carmina sa 6 month career hiatus mo sa ABS. After 6 to 12 months, namnamin mo na ang pabagsak mong career. Lipat ka after sa tv5. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  onewithkapsuo

    01/17/2012 | 11:00 AM
    well goodluck naman yung lang hahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  ow_di_nga

    01/17/2012 | 10:56 AM
    dyan ka nababagay,,,maraming nagpapanggap na lalaki dyan matanso ka uli
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  iam_a_tvfan

    01/17/2012 | 10:55 AM
    Sugod mga kapamilya! Eto na naman sila, pag may bagong pirata o lipat from syete PURI TO THE MAX...pero pag may umaalis naman SISIRAAN NAMAN NG TODO TODO. Para malaman mo IAM BRAINFUL, lubog ang career ni carmina nung umalis sya sa dos nub. Anong klaseng show ba naman ang palibhasa sa dos? Tas lumipat sya bumalik career nya at magkaron maraming projects.. Now that she's back sa dos, ayokong pangunahan magigiing fate nya dun, we'll see na lang.. But the way i see it, hmmm...tatak na kase sa dos na pag bagong lipat may show agad hanggang malilipasan na ng panahon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  exclusibo

    01/17/2012 | 10:51 AM
    Remake ng SIS ang gagawin? Talaga naman mga Kapamilya, magiging world class daw si Mina samantalang 10 taon wala sa ABS kay sumikat ng todo todo. Good luck.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About