Camille Prats on finding new love: "Naku, matagal na matagal pa! Hindi pa nga ako nakakababang-luksa, di ba? Mas gusto kong magtrabaho kesa isipin kung kelan ulit ako makikipag-date or magpaligaw. Wala muna ang mga ganyan. I want to focus all my attention sa aking trabaho at sa aking anak. My son means the world to me, kaya siya na muna ang lalake sa buhay ko."

Photo: Ruel J. Mendoza

Naging malungkot ang huling bahagi ng taong 2011 para kay Camille Prats.

Ito ay dahil sa pagkamatay ng kanyang mister na si Anthony Linsangan noong September 23, 2011, sa sakit na nasopharyngeal cancer.

(CLICK HERE to read related story.)

Bagamat nabiyuda kaagad si Camille sa edad na 26, nananatili pa rin siyang matatag dahil kailangan daw siya ng kanyang anak na si Nathaniel Cesar "Nathan" Linsangan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Camille noong January 10 sa Child Haus sa Project 8, Quezon City, inamin niyang naging malungkot ang pagpasok ng 2012 para sa kanya.

Hindi raw madaling makalimutan ang malungkot na nangyari sa kanyang pamilya.

Saad ni Camille, "Nararamdaman mo yung loneliness. The realization na wala na pala ang partner mo.

"But I don't let it show kapag kasama ko si Nathan.

"Gusto kong makita niyang strong ako.

"Ayokong magpakitang malungkot ako kasi nalulungkot din ang anak ko."    

Pero unti-unti naman daw siyang nakaka-cope sa buhay niya ngayon.

Paunti-unti ay hinaharap na niya ang katotohanan na silang dalawa na lang ng kanyang anak ang magkasama.

Ayon pa sa dating child star, "Umuuwi na rin ako sa bahay namin sa Ayala, Alabang.

"Before, hindi ko kaya. Nalulungkot ako.

"Kina Mommy at Daddy sa bahay namin sa Cainta, Rizal, kami tumutuloy ni Nathan.