Coco Martin remains "ordinary" despite his popularity; says "Kasi simple lang akong mangarap."

Rose Garcia
Tuesday, January 17, 2012 @ 01:59PM  |  1724 views

 

Coco Martin, on maintaining his privacy: "Sabi ko nga, ang pinaka-ayoko yung ma-involve ang pamilya ko sa trabaho ko. Every time na umuuwi ako sa bahay, never na nagtanong sa akin ang lola ko about sa trabaho ko. Kung maganda ba si ganyan, mabait, mabango? Ayokong pinag-uusapan yun. Kahit sa showbiz, hangga't maaari, iniiwas ko namang pag-usapan ang personal life ko or ang pamilya ko. Hangga't maaari."

Photo By: Noel Orsal













Tila naging tribute kay Coco Martin ang live guesting nito sa The Buzz noong Linggo, January 15.

Bago kasi ang interview sa kanya ng The Buzz-host Boy Abunda, nagpalabas muna ng VTR ng mga pahayag ng mga direktor at artistang nakasama na ni Coco sa iba't ibang proyekto.

Kabilang sa mga ito sina Direk Brillante Mendoza (direktor ni Coco sa indie films na Masahista, Tirador, Serbis, at Kinatay), Cherry Pie Picache (co-star ni Coco sa pelikulang Noy at sa teleseryeng Tayong Dalawa)...

Direk Jerry Sineneng (direktor ng Minsan Lang Kita Iibigin), Gerald Anderson (co-star niya sa Tayong Dalawa), at Direk Trina Dayrit (direktor ng Tayong Dalawa).

Lahat sila ay nagsabi kung gaano kahusay si Coco bilang isang aktor.

Naging inspirasyon din si Coco ng karamihan, mula sa paglabas niya sa mga indie films at sa matagumpay na pagpasok sa mainstream movies at television.

Reaksiyon naman ni Coco rito: "Sobrang sarap na marinig lalung-lalo na po sa mga kasamahan kong artista, direktor. 

"Ano, e, sila yung mga naghasa sa akin kung nasaan man ako ngayon.

"Sila ang mga naging inspirasyon ko kung bakit ako nandito ngayon."

PHENOMENON. Sa VTR ay nagdeklara si Cherry Pie na: "I think Coco Martin is a phenomenon."

Ito ay dahil si Coco lang daw ang "nakatawid" mula independent films papuntang mainstream.

"Sobra yun!" nakangiti at tila nahihiya namang sabi ni Coco nang hingan siya ng reaksiyon sa tinuran ni Cherry Pie.

Dagdag pa ng aktor, "Nakakalaki ng puso, siyempre.

"Pero para sa akin po, hindi naman po.

"Siguro kung may ganoon po, si Nora Aunor po yun, hindi po ako."

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

20 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name