"E, di isipin nila ang gusto nilang isipin, but definitely mayroong ganun [kasalan], someday," says Cristine Reyes when asked if she and Rayver really got married in New York.

Photo: Noel Orsal

Dahil sa matagal-tagal na pagbabakasyon nina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa New York, may naglabasang bali-balita na nagpakasal na rin daw ang dalawa doon. 

Gusto naman daw ng magkasintahan na sana'y sila na nga ang magkatuluyan sa bandang huli.

Marahil, sa pahayag na ito umusbong ang isyu ng lihim na kasalan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine matapos ang The Buzz noong Linggo, January 15,  nilinaw niya ang isyu.

"Nag-solo kami, kasi wala kaming budget," pabiro niyang sagot. 

Nagpakasal na raw sila ni Rayver?

"E, di isipin nila ang gusto nilang isipin, but definitely mayroong ganun [kasalan], someday."

Kumusta ang naging bakasyon nila ni Rayver sa New York?

"Okay naman, sobrang saya.

"Wala kaming ginawa kundi mamasyal, maglakad, manood ng sine, kumain, manood ng play. 

"Lahat na ng puwedeng gawin, ginawa namin. Sulit na sulit yung bakasyon."

CONCLUSION OF REPUTASYON. Ngayon ang huling linggo ng Reputasyon.

Masaya si Cristine sa magandang itinakbo ng pinagbidahang serye dahil tinangkilik ito ng publiko. 

Aniya, "Happy ako dahil naging okay naman yung takbo ng show.