"Lumaki ako sa pamilya na relihiyoso. Kumbaga, nagkataon lang na nung nag-showbiz ako, nabarkada, medyo naiba yung landas ko. Siguro nagpapasalamat lang ako na 'eto ulit ako, bumabalik—at dahil iyan kay Jewel," says Jason Abalos about how girlfriend Jewel Mische (inset) has influenced him.

Photo: Noel Orsal

May espesyal na babae na nagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon ngayon sa young actor na si Jason Abalos.

Ito ay si Jewel Mische.

Noong una ay marami pang paliguy-ligoy si Jason bago niya tuluyang sabihing si Jewel nga ang babaeng nagpapaligaya ng puso niya ngayon.

Sa huli ay umamin din siya.

CHANGING HIS LIFE. Gaano ba ka-special si Jewel sa kanya?

"Sobrang special ni Jewel. Siya yung bumago ng buhay ko.

"Siya yung naging daan sa pagkakaroon ko ng faith ngayon," sagot ng young actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa presscon ng Lumayo Ka Man Sa Akin kahapon, Enero 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ano ang nagustuhan niya kay Jewel?

"Unang-una kasi, lumaki ako sa pamilya na relihiyoso.

"Kumbaga, nagkataon lang na nung nag-showbiz ako, nabarkada, medyo naiba yung landas ko.

"Siguro nagpapasalamat lang ako na 'eto ulit ako, bumabalik—at dahil iyan kay Jewel."

Kailan nabuo ang magandang pagtitinginan nila?

"Kasi nung lumipat siya sa ABS, nagkikita na kami.

"'Tapos yun, minsan niyaya niya ako sa church nila. Christian siya."