Jason Abalos on being 'blessed' by ABS-CBN: "Kaya nga wala na akong dapat pang i-demand sa network kasi talaga namang hindi ako nababakante."

Glen P. Sibonga
Wednesday, January 18, 2012 @ 11:59AM  |  8600 views

 

Jason Abalos on his successive shows in ABS-CBN: "Nag-o-overlap nga yung mga show, e. Me ginagawa pa ako, 'tapos pag malapit nang matapos yung isang project, may kapalit agad na dumarating. Kaya sobra akong grateful at thankful sa ABS-CBN. Kumbaga, kahit may mga nagsasabing hindi ko deserve yung ganitong trabaho, pero para sa napakalaking tiwala yung ibinibigay sa akin. Kasi, di ba, pagkatapos ng SCQ, hindi ko naman naisip na ganito ang mangyayari sa akin."

Photo By: Noel Orsal













Walang pagsidlan ng tuwa si Jason dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

Hindi kasi siya nawawalan ng proyekto sa ABS-CBN at tinatawag pa siya ngayong "Prince of Daytime Drama" dahil sa madalas niyang pagbibida sa Kapamilya afternoon soaps.

Magtatapos na sa Biyernes, Enero 20, ang Reputasyon na pinagbibidahan ni Jason, kasama sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Pero pagpasok nga ng Lunes, Enero 23, ay muli rin siyang mapapanood sa bagong afternoon drama series na kapalit ng Reputasyon—ang Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man Sa Akin.

Kasama naman niya rito sina Maja Salvador at Patrick Garcia.

Ano ang pakiramdam na tila lubos siyang pinagpala ng ABS-CBN?

Ayon kay Jason, "Oo nga, e, kaya nga wala na akong dapat pang i-demand sa network kasi talaga namang hindi ako nababakante.

"Nag-o-overlap nga yung mga show, e.

"Me ginagawa pa ako, 'tapos pag malapit nang matapos yung isang project, may kapalit agad na dumarating.

"Kaya sobra akong grateful at thankful sa ABS-CBN.

"Kumbaga, kahit may mga nagsasabing hindi ko deserve yung ganitong trabaho, pero para sa napakalaking tiwala yung ibinibigay sa akin.

"Kasi, di ba, pagkatapos ng SCQ, hindi ko naman naisip na ganito ang mangyayari sa akin," sabi ni Jason.

Ang SCQ o Star Circle Quest Season 2 ang artista reality search ng ABS-CBN, kung saan na-discover si Jason noong 2005.

Ka-batch ni Jason ang grand winner na si Erich Gonzales.

Hindi ba nagwo-worry si Jason na dahil sa sunud-sunod na projects niya ay baka pagmulan ito ng inggit o isyu sa ibang Kapamilya actors?

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name