Sa Biyernes, January 20, pa ang 28th birthday ng tinaguriang Multi-Media Star na si Toni Gonzaga.
Pero last Sunday, January 15, ay binigyan na ng special birthday celebration ang TV host-actress sa The Buzz.
Bumati muna ang mga malalapit niyang kaibigan, nakatrabaho, kapamilya, at maging mga kasamahan sa Taytay United Methodist Church.
Tapos ay nag-live interview sa kanya ni Boy Abunda at ang guest co-host na si Cristine Reyes.
STATE OF MIND. Unang tinanong si Toni kung ano ang state of mind niya ngayon.
"My state of mind right now is that I am really very grateful with everything that happened to me.
"Kahit not so good, good.
"Kasi, I always hold onto the verse na, 'Romans 8: 28: That everything works for good for those who love God.'
"If you really love the Lord and everything that's happening in your life, kahit minsan, ang labo-labo na, alam mong He will make a way at the end of trial or endeavor.
"Alam mong maganda ang kahihinatnan nun dahil He has prepared something better for you."
NO MOMMY PINTY AND DIREK PAUL. Pagkatapos maipalabas ang lahat ng bumati kay Toni sa VTR, natatawang sinabi nito na hinihintay raw niyang bumati sa kanya ang kanyang inang si Mommy Pinty Gonzaga.
Si Boy naman, napansin daw kung bakit walang VTR message kay Toni ang boyfriend na si Direk Paul Soriano.
Ayon naman kay Toni, "Naku, hayan na ha, baka naman lagyan n'yo ng meaning!
"E, kasi, every birthday ko, bumabati siya. Sabi niya, 'I have nothing more to say.'"
"Publicly?" hirit naman ni Boy.




0

