Isang linggo na ring nailibing si Tyron Perez, pero hanggang ngayon ay hindi pa makapaniwala ang malapit nitong kaibigan at naging girlfriend na si Charee Pineda sa sinapit ng aktor.
"Hangang ngayon, yung totoo, kahit alam kong patay na siya at nandun ako nung libing niya, hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na patay na siya.
"Mas gusto kong manatili siya sa isip ko na buhay pa siya at alalahanin yung magagandang araw na kasama ko siya.
"Hangang ngayon nga, shocked pa rin ako. Hindi kasi ako makapaniwala na magagawa niyang magpakamatay.
"Kasi knowing Jojo [tawag niya kay Tyron] napaka-positive na tao yan, e. Hindi 'yan basta-basta sumusuko sa problema.
"Three years ding tumagal yung relasyon namin. Kaya naman sa loob ng tatlong taon, kilalang-kilala ko na siya.
"Siya kasi yung first boyfriend ko kaya sobrang naging close ako sa kanya. Kaya hindi ako makapaniwala.
"Kaya nung napanood ko lang siya sa TV, 'tsaka lang ako naging sobrang emotional.
"Kasi hindi talaga siya ganun, e! Siguro hindi na niya talaga kinaya yung problema niya.
"Sana nga tinawagan niya ako, para nakausap ko siya at nabigyan ng payo. O kaya, natulungan ko siya.
"Hindi na kasi siya iba sa amin. Sobrang close siya sa family ko... sa daddy at mommy ko.
"Kaya nga kahit sila nalungkot sa nangyari kay Jojo."
REMEMBERING TYRON. Ano yung mga naaalala niya kay Tyron noong nabubuhay pa siya?
"Sobrang masayahin 'yan. Gusto niya laging masaya yung paligid.
"At kahit na may problema 'yan, hindi mo mapi-feel sa kanya na may problema siya. .




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 heart07
12 maldito
11 petiteclau
10 estariray
9 meanyghurl
8 slickchick02
7 amberry_girl
6 bacobaco
5 jinks_mont
4 ricojr
3 cherchezlafemme
2 EmmyAngels
1 EmmyAngels