PART 1 Sarah Geronimo gets her own musical show on ABS-CBN; will take leave from ASAP

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, January 19, 2012 @ 06:53AM  |  51887 views

 

Sarah Geronimo on having her own musical show: "Siyempre ho, nung una ayoko, natatakot ako. Kasi sariling show ko na 'yon, e, saka malaking responsibility 'yon sa akin as an artist. Pero, blessing ito. Napakagandang blessing nito at another challenge para sa akin para mag-grow as an artista and as a person. So, ba't ko tatanggihan?"

Photo By: Erwin Santiago













Magkakaroon na ng sarili niyang musical show sa ABS-CBN si Sarah Geronimo.

Ang magiging titulo nito ay Sarah G. Live! at mapapanood ito tuwing Linggo ng gabi simula sa Pebrero.

Kinumpirma mismo ni Sarah ang balitang ito sa thanksgiving party niya para sa press kagabi, January 18.

Ginanap ang pagdiriwang sa pag-aari ng mga Geronimo na Imo's Pancit Malabon restaurant, sa may Mindanao Avenue, Quezon City.

Sabi ng Pop Princess sa kanyang bagong show: "Very happy po ako sa concept nung show.

"Pangalan ko po ang dadalhin ko dito, na ninenerbiyos po ako kasi, siyempre, sariling show na natin 'to.

"But, of course, makakasama ko ang ibang artists din, magagaling na artists.

"So, abangan po natin."

Hindi pa kumpirmado, pero posibleng ang show ni Sarah ang papalit sa timeslot na maiiwanan ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda tuwing Linggo ng gabi.

Matatandaang sa mahabang panahon ay si Sharon Cuneta ang may hawak ng Sunday primetime slot ng ABS-CBN—mula sa kanyang musical-variety show na The Sharon Cuneta Show hanggang sa talk-variety program niyang Sharon.

Pero ngayon ay kay Sarah na ipagkakatiwala ng Kapamilya network ang timeslot na ito.

Sabi naman ni Sarah tungkol dito, "Nabigyan lang po ako ng pagkakataon na, 'yon, makakita pa sila ng mas maraming performances."

Pero ano ang pakiramdam na meron na siyang sariling musical show?

"Siyempre ho, nung una ayoko, natatakot ako.

"Kasi sariling show ko na 'yon, e, saka malaking responsibility 'yon sa akin as an artist.

1  2  3  Next »

Related Articles

150 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name