Chynna Ortaleza feels blessed to shoot scenes for indie film Migrante in Israel

Rose Garcia
Thursday, January 19, 2012 @ 02:03PM  |  9379 views

 

Chynna Ortaleza on going to Israel to shoot Migrante: "Parang lahat naman ng tao, kasama sa bucket list nila ang makarating ng Holy Land. Kaya noong sinabi sa akin ng handler ko, mag-i-indie nga raw ako, kasama raw ako sa Israel, wow! Parang napakasuwerte ko naman na nakapunta ko na, ang bata ko pa lang din. Kaya sabi nga ni Direk over breakfast, 'O, hayan, masasabi n'yo na nakapunta na kayo diyan.'"

Photo By: Courtesy of Chynna Ortaleza













Feeling blessed si Chynna Ortaleza na maging bahagi ng indie film na Migrante.

Bukod sa ito ang unang ng pelikula niya kay Direk Joel Lamangan, nabigyan pa siya ng pagkakataong makarating sa bansang Israel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chynna noong Martes, January 17, ilang araw matapos niyang manggaling ng Holy Land para sa shooting ng Migrante.

Ayon kay Chynna, "Ito ang first film ko with Direk Joel and my first indie with him.

"Nakakagawa naman ako before ng indie, yung Hukay, pero hindi siya na-release. 

"Natapos din namin yung shoot and si Jodi [Sta. Maria] din ang kasama ko do'n.

"Now naman, I'm very happy na napasama ako sa Migrante."

Banggit pa ng Kapuso actress, "Si Direk Joel, nagiging director ko siya sa mga soap ng GMA. 

"Kapag nagkakausap kami, tinatanong niya ako, kung gusto kong mag-indie. 

"Sabi ko naman, 'Oo naman, Direk.'

"So, siguro naisip din niya na maganda rin na pagpasok ng 2012, may ginagawa akong movie."

FIRST TIME IN ISRAEL. Hindi raw akalain ni Chynna na sa paggawa niya ng indie film ay makakarating siya sa Israel.

"Natuwa talaga ako," sambit niya.

"Parang lahat naman ng tao, kasama sa bucket list nila ang makarating ng Holy Land. 

"Kaya noong sinabi sa akin ng handler ko, mag-i-indie nga raw ako, kasama raw ako sa Israel, wow! 

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name