[x]

 

Regine Velasquez on being a mom: "Hindi ko akalaing mababago pala talaga nang bonggang-bongga! Iba na kasi ngayon ang mga priorities ko. Sa baby na lang talaga naka-focus lahat." She wants this total focus to last until Nate is one year old.

Photo: Gorgy Rula

Sa presscon ng Valentine concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ang Mr. & Mrs. A, noong Miyerkules, Enero 18, ipinakilala ng mag-asawa sa mga imbitadong movie press ang kanilang anak na si Baby Nate.

Isinilang ni Regine si Baby Nate noong November 8, 2011.

Halos kay Regine at sa anak nila naka-focus ang usapan dahil ngayon pa lamang humarap uli sa publiko ang Asia's Songbird pagkatapos niyang manganak.

Iyon din ang unang pagkakataong nasilayan ng press ang kanilang anak.

LOSING WEIGHT. Ayon kay Ogie, malaki na ang nabawas sa timbang ni Regine.

Pero medyo mataba pa rin ang singer-actress, kaya todo pa rin ang exercise nito para mabawasan pa ang timbang niya.

Ito ay paghahanda na rin sa concert nila na gaganapin sa Araneta Coliseum sa February 14.

Sabi naman ni Regine, hanggang exercise lang daw muna talaga siya, dahil ayaw naman daw niyang mag-diet para pumayat.

"Ang galling-galing ko pa naman mag-diet, pero ayoko, kasi nagpapa-breastfeed ako kay Nate. 

"Si Nate pa rin ang priority ko, kaya okay lang kahit mataba.

"Basta ang focus ko, ang pag-aalaga sa baby," pahayag ni Regine.

POST-PARTUM BLUES. Inamin din ng Songbird na nagkaroon siya ng post-partum blues dahil sa hirap niya nung una sa pagpapa-breastfeed sa kanyang anak.

Kuwento ni Regine, "Nung una kasi, hindi nagla-latch si Nate. And I have very little milk.

"For about three weeks, bumibili ako ng breast milk sa breast-milk bank ba yun?