PEP EXCLUSIVE: Bianca Manalo says the hosts have been given no "final call" on Happy Yipee Yehey!'s rumored cancellation

Demai G. Sunio-Granali
Friday, January 20, 2012 @ 01:22PM  |  34564 views

Inamin ni Bianca Manalo na hindi lingid sa kaalaman nilang mga hosts ang usap-usapang nalalapit na ang pagtatapos ng programang Happy Yipee Yehey! Habang wala raw pormal na desisyon na inilalabas ang ABS-CBN management tungkol dito, mananatili raw silang nagbibigay ng saya at papremyo sa mga manonood.

Photo By: Elli Alipio













Maugong ngayon ang usap-usapang malapit nang mawala sa ere ang programang Happy Yipee Yehey! ng ABS-CBN.

Ayon sa isang source na nagbigay ng impormasyon sa PEP (Philippine Entertainment Portal), Pebrero 4 ang petsa ng final airing ng Monday-to-Saturday noontime show.

Kagabi, Enero 19, nakausap ng PEP ang isa sa female hosts ng show, si Bianca Manalo, sa launch party ng bagong product line ng Clinique cosmetics.

Inalam namin sa host at beauty queen kung ano ang katotohanan sa likod ng balita.

"Actually, sinasabi nga na mag-e-end, pero hindi pa naman kami talaga binibigyan ng final call so hoping pa kami.

"Pero, at the same time, we are praying [na hindi totoo], and ngayon, ine-enjoy lang namin kung ano iyong meron kami," saad niya.

Araw-araw pa ring mapapanood sa ngayon ang programa sa ABS-CBN, at ayon pa kay Bianca, tuluy-tuloy lang ang pamimigay nila ng premyo at saya sa mga manonood.

Ano ang magiging reaksiyon niya sakaling maglapabas ng desisyon ang management na kanselahin ang programa?

"Actually, hindi ko kasi iniisip, e.

"Honestly, ha, hindi ko iniisip na mag-e-end, kasi kami naman masaya lang kami, e.

"Aah, hindi ko alam. Siguro kung mangyari man iyon, nakakalungkot.

"Pero ngayon kasi, every day, like every day naman, nilu-look forward naming pumasok dahil masaya talaga sa show. Masaya.

"So kung mawawala, siyempre malungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot, 'di ba?

"Sa ngayon kasi talaga, ine-enjoy lang namin," pahayag ni Bianca.

PROJECTS FOR BIANCA. Sakaling matapos ang programa, marami namang naka-lineup na mga proyekto para sa dating Miss Universe candidate.

1  2  Next »

Related Articles

46 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name