"Sobrang nakaka-excite na natsa-challenge ako. Kasi, I'm known as a singer talaga, so parang ako, 'Kakayanin ko na lang 'to,'" says Akiko Solon about starting a career in acting.

 

Photo: Noel Orsal


Bukod sa pagiging singer, kung saan siya nakilala, nais na ring pasukin ng dating Star Power finalist na si Akiko Solon ang pag-arte.

Kaya naman nang masabihan siyang bukas ang audition para sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang E-Boy, hindi pinalagpas ng Cebuana singer, ang pagkakataon.

"Kasi ako, gusto kong i-try lahat, e," sabi ni Akiko nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng E-Boy kagabi, Enero 19, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound, Quezon City.

Aminado si Akiko na noong una ay alangan siyang subukan ang pag-arte.

Aniya, "Hindi ko alam, parang pumunta ako dito [sa Manila] dahil gusto ko lang talaga kumanta, parang gusto ko lang ipakita ang talent ko.

"Pero sa nakita ko naman, parang mahirap din pala talaga para i-compare ang singing at pag-arte.

"Sobrang different talaga. Para sa sarili ko, bahala na."

Isa pa sa mga inaalala niya raw noon ay ang paghahambing ng publiko sa kanyang galing sa pag-awit at sa kanyang pag-arte.

Subalit susubukan na lang daw ni Akiko na huwag itong pansinin.

"Siguro sanay na ako sa mga ganyan kasi bata pa lang ako, may mga ganyan na.

"Sa Cebu pa lang, marami na," sabi niya.

Bukod dito, umaasa na lang din si Akiko sa magiging suporta ng mga taong malalapit sa kanya.

"Siguro sobrang blessed lang ako na may family ako na sobrang strong, may family ako na sobrang close kay God.

"Para bang kahit ano'ng gawin ko, nandiyan naman sila.

"Kahit ano'ng gagawin ko, nandiyan naman si God para i-guide ako.