Cesar Montano on his love scene with Sam Pinto in Hitman:"Parang earthquake, may aftershock."

Rose Garcia
Friday, January 20, 2012 @ 08:07PM  |  30978 views

 

Cesar Montano explains why his love scene with Sam Pinto had to be shot like an "earthquake": "Sa akin, ako na ang director, ako pa ang writer, it's difficult for me para gawin yung eksena. Paano ba 'to na hindi siya mao-offend or hindi siya mag-iisip na parang sobra na? Parang ayoko naman na kulang ang shot. Pagdating kasi, ayokong mamroblema sa editing. Na, 'Bakit walang ganito?' Na hahanapan ka ng editor mo. E, wala na, tapos na ang shooting."

 

Photo By: Noel Orsal













Tulad ng ibang aktor na nakilala bilang action stars, isa si Cesar Montano sa umaasa na muling mabubuhay at magiging mainit muli ang pagtanggap ng publiko sa local action movies.

Sa bago niyang pelikulang Hitman—na siya mismo ang nagsulat, nagdirek, at nag-produce—umaasa si Cesar na ito ay tangkilikin ng mga manonood.

Ang  Hitman, na idi-distribute ng Viva Films, ay ipalalabas sa February 22.

ASIONG SALONGA PAVED THE WAY. Naniniwala si Cesar na ang Metro Manila Film Festival 2011 entry na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay isang malaking senyales sa magandang pagtanggap muli ng tao sa action movies.

"Sa case ng Asiong Salonga, we should be very happy. [Maganda] yung reception na ibinigay sa Asiong Salonga.

"Kung titingnan mo, yung kasabay ng Asiong Salonga... And to think it's a Metro Manila Film Festival [pero pinanood din].

"And we all know na kapag MMFF, hindi na kailangang maghintay pa tayo or kailangan natin ng fortune teller. Alam na natin ang mangyayari riyan.

"Alam na natin na pambata yung Enteng [ng Ina Mo] or Panday.

"Yun na lang hinihintay natin, kung ano ang gagawin ni Vic [Sotto] or ni Senator Bong [Revilla]. 

"Sabi ko nga, kung hindi 'yan [Asiong Salonga] 'pinalabas ng MMFF, tatabo nang husto 'yan.

"Kahit 70 million ang ginastos diyan, baka makabawi pa.

"But I'm very, very happy for the reception of people sa Asiong Salonga."            

EYEING INTERNATIONAL FILMFESTS? Ang pelikulang Hitman ay plano rin ni Cesar maipalabas sa international film festivals.

Ito ang naging pahayag ni Cesar sa press conference ng nasabing pelikula sa City Best Restaurant kahapon, January 19.

"Of course, yun ang intention, ma-invite sa international film festival. Kasi, maganda ang istorya.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

32 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name