Agad na naging usap-usapan ang Twitter post ng TV host at presidential sister na si Kris Aquino tungkol sa pagbisita ni Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra kahapon, Enero 19.
Nilagay niya sa kanyang personal account: "Came from Malacanang. Lunch for Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra. She's tall & slim & attractive! 44 yrs old, bagay for PNoy!"
Dumalo si Kris sa luncheon na inihanda ni Pangulong Aquino para kay Thai PM Shinawatra, na dumating sa bansa para sa six-hour state visit.
Kasunod ng kanyang tweet ay ang iba-ibang reaksiyon mula sa iba pang Twitter users na nakabasa nito.
Ang iba ay sumang-ayon sa actress-TV host.
Tulad ni sjg_2009, na sumagot sa post ng DZMM Teleradyo: "...maganda si PM Thai Yingluck, kamukha nga niya si Kelly Hu..pwde na para kay PNoy..agree with Kris :)"
Ang iba naman ay nadismaya sa muling pagiging "matchmaker" ni Kris para sa kanyang kuya.
Katulad ni urbanroamer, na nag-post nito: "Kristeta, the matchmaker sister strikes again! Thai PM naman ang puntirya!"
May mga nagsabi rin na imposible ang pagma-match kina PNoy at PM Shinawatra dahil ang huli, bagamat hindi kasal, ay may "common-law husband" na at may anak silang lalaki.
KRIS EXPLAINS HER TWEET. Kinagabihan, nagpaliwanag si Kris nang makapanayam siya ng ilang miyembro ng entertainment press sa ginanap na thanksgiving party sa pelikula niyang Segunda Mano.
Ayon sa ulat ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBN News, para kay Kris ay walang mali sa Twitter post niya na bagay ang kanyang Kuya at ang Thai leader.
Pero nilinaw niyang hindi siya nagpapaka-matchmaker para sa kapatid.
Sabi niya, "Ang kapal naman ng mukha kong magreto."
Pero hindi itinanggi ni Kris na nagustuhan niya ang Thai PM kaya agad niyang tiningnan sa Internet ang mga detalye tungkol dito.
Ani Kris, "'Tapos Ginoogle ko [ang tungkol sa kanya] habang naglu-lunch, tsinek ko.




0

