JC de Vera works out to fit into a size small for lead role in Valiente

Rose Garcia
Saturday, January 21, 2012 @ 02:03PM  |  7204 views

Ano ang pakiramdam ni JC de Vera na halos lahat ng mabibigat at magagandang role, tila sa kanya napagkakatiwala ng Kapatid network? Siya ba ang TV5 Prince?

"Hindi, hindi," nakangiting sabi niya. "Mas marami pang shows na lalabas ang TV5 na mas maganda. Wala e, grateful lang ako na ganito yung nabibigay nila," he says.

 

Photo By: Rommel R. Llanes














Halos lahat ng roles na ginampanan ni JC de Vera sa mga teleserye sa Kapatid network ay mabibigat na character. 

Tulad na lang ngayon kunsaan, ire-remake ng TV5 at TAPE, Inc. ang isa sa longest-running TV series noon, ang Valiente.

Si  JC ang pinagkatiwalaang gumanap sa papel na Gardo Valiente.

At the press conference held last Thursday, January 19, at 8 Spices Restaurant, we asked JC if he was starting to feel any pressure.

"Grateful ako sa part ko. Pero kasi, nakasama ko na yung mga taong ito before pa. 

"Hindi nila ako binibigyan ng pressure. Parang mas pinapalakas nila ang confidence ko, e. 

"Kasi, naka-trabaho ko na sila ATP Production. Si Direk Joel Lamangan, naka-trabaho ko na sa Pasan ko Ang Daigdig atsa Babangon Ako't Dudurugin Kita

"Same with the group of people na nagha-handle rin ng show, naka-trabaho ko na rin sila.

"Although ngayon ko lang makaka-trabaho sina Oyo [Sotto], Nadine [Samonte] at saka si Nina [Jose].

"Naging kumportable lahat. Yun nga, dahil ini-imply ni Direk Joel ang pagiging professional sa taping. 

"Wala kaming choice but to perform.  Siguro ang nagbibigay ng pressure sa amin, si Direk Joel. Kasi, kailangan prepared ka pumupunta sa set. 

"Pero other than that, lahat very smooth.  Maaga kaming natatapos kasi maaga rin kaming nag-i-start."

Si JC nga ang gumaganap sa dating character na ginampanan naman ni Michael de Mesa.

Wala rin daw nakikitang pressure si JC kung sakaling ang mga dating nakasubaybay sa Valiente ay ikumpara siya kay Michael.

Ayon kay JC, "Naniniwala akong bagong generation na kasi ito. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name