news

JC de Vera works out to fit into a size small for lead role in Valiente

by Rose Garcia posted on January 21, 2012  STATS: 7549 Views | 10 Comments

Ano ang pakiramdam ni JC de Vera na halos lahat ng mabibigat at magagandang role, tila sa kanya napagkakatiwala ng Kapatid network? Siya ba ang TV5 Prince?

"Hindi, hindi," nakangiting sabi niya. "Mas marami pang shows na lalabas ang TV5 na mas maganda. Wala e, grateful lang ako na ganito yung nabibigay nila," he says.

 

Photo By: Rommel R. Llanes


Halos lahat ng roles na ginampanan ni JC de Vera sa mga teleserye sa Kapatid network ay mabibigat na character. 

Tulad na lang ngayon kunsaan, ire-remake ng TV5 at TAPE, Inc. ang isa sa longest-running TV series noon, ang Valiente.

Si  JC ang pinagkatiwalaang gumanap sa papel na Gardo Valiente.

At the press conference held last Thursday, January 19, at 8 Spices Restaurant, we asked JC if he was starting to feel any pressure.

"Grateful ako sa part ko. Pero kasi, nakasama ko na yung mga taong ito before pa. 

"Hindi nila ako binibigyan ng pressure. Parang mas pinapalakas nila ang confidence ko, e. 

"Kasi, naka-trabaho ko na sila ATP Production. Si Direk Joel Lamangan, naka-trabaho ko na sa Pasan ko Ang Daigdig atsa Babangon Ako't Dudurugin Kita

"Same with the group of people na nagha-handle rin ng show, naka-trabaho ko na rin sila.

"Although ngayon ko lang makaka-trabaho sina Oyo [Sotto], Nadine [Samonte] at saka si Nina [Jose].

"Naging kumportable lahat. Yun nga, dahil ini-imply ni Direk Joel ang pagiging professional sa taping. 

"Wala kaming choice but to perform.  Siguro ang nagbibigay ng pressure sa amin, si Direk Joel. Kasi, kailangan prepared ka pumupunta sa set. 

"Pero other than that, lahat very smooth.  Maaga kaming natatapos kasi maaga rin kaming nag-i-start."

Si JC nga ang gumaganap sa dating character na ginampanan naman ni Michael de Mesa.

Wala rin daw nakikitang pressure si JC kung sakaling ang mga dating nakasubaybay sa Valiente ay ikumpara siya kay Michael.

Ayon kay JC, "Naniniwala akong bagong generation na kasi ito. 

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  xelamikila

    01/30/2012 | 04:50 PM
    Go! JC! Go! Dami ng naiinsecure sa 'yo. Noong sa GMA pa lang, kaw na ang paborito namin. AT lalo na ngayong lagi na ikaw ang bida sa TV5. Congarats!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • venz2177

    01/22/2012 | 04:40 PM
    laosssssssss.....feeling sikat..boooooooo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nice1

    01/22/2012 | 04:03 PM
    ndi mahina yung signal yung utak lang nya ang mahina whahahahahahhah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • markerik

    01/22/2012 | 03:58 PM
    jc de vera used to have this luscious lower lip. sarap halikan. kaya lang nung nagpa-braces, numipis ung lower lip nya. d ko na sya type ngayon. hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • norgie36uk

    01/22/2012 | 02:28 AM
    eng eng ka pala no 5.di ba sila pwedeng magrating sa mega or metro manila ,esep esep... mahina ba signal nila sa metro manila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MRpandak

    01/22/2012 | 12:24 AM
    Mga kapus utak talaga.. alangan namang mag rate ang shows ng TV5, eh limited pa lng ang signal nila... mag isip nga kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mercitaga

    01/21/2012 | 09:55 PM
    hindi naman nag-rate mga shows niya kaya kahit may tv series siya walang nanonood
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusoakopep

    01/21/2012 | 08:29 PM
    FYI wala na po talagang iba. Unlike sa GMA at ABS na madami pwede leading man. sa TV5 walang choice e. Kaya feeling niya sikat siya dahil lead siya palagi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Space_Ace

    01/21/2012 | 06:48 PM
    oo nga wala na bang iba kundi si jc lang? ang dami ng napiratang artista ng tv5 pero si jc lagi ang sinasalang, hindi mag click yung mga serye nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kantaratarat

    01/21/2012 | 02:22 PM
    wala na bang iba hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About