Jinkee Pacquiao says husband Manny has changed for the better: "Laging nasa bahay, nagbabasa ng Bible, nanonood ng sine, ng TV."

Rommel Gonzales
Sunday, January 22, 2012 @ 08:25AM  |  553 views

Even the kids have noticed the positive changes in their father, Manny Pacquiao.

"Oo! Kasi si Manny ngayon is laging nasa bahay na, naglalaro sila, mas madaming time sa mga bata," says Jinkee Pacquiao (above).

 

 

Photo By: Noel Orsal













Usap-usapan ngayon ang diumano'y malaking pagbabago sa lifestyle ng People's Champ na si Manny Pacquiao.

Kung dati'y natsitsismis dahil sa kanyang mga bisyo, ngayon ay walang ibang bukambibig si Pacman kundi... Bibliya!

Eto si Manny sa taped interview sa kanya Sabado, January 21, ng Startalk TX: "Maganda yung bagong taon natin dahil, kumbaga sa ano, nalapit na tayo sa Panginoon at sumusunod tayo sa kanyang kautusan.

"Siyempre yung pagiging malapit sa Panginoon is napakasaya."

Isa sa sinasabing instrumento sa pagbabagong ito ni Pacman ay ang asawang si Jinkee.

Ang pahayag naman ni Jinkee sa taped interview sa kanya ng Startalk TX host na si Ricky Lo: "Answered prayer kumbaga.

"Wala na, hindi na siya umiinom. [Noon], halos gabi-gabi nagpa-party, umiinom, ganyan.

"[Ngayon] hindi na talaga siya umiinom, bawal na yung malasing, ganyan, basta kahit wine ayaw na niya na." 

Tungkol sa isyu ng pambababae—nasanay na ba si Jinkee at tila hindi na niya iniintindi?

"Sabi ko sa kanya, hindi naman dapat... maging okay lang ako lagi, hanggang sa pagtanda ko na ganun din ang ginagawa ko, hindi puwede sa akin yun.

"Ayoko ring mangyari sa mga anak ko yun.

"Siguro pagdating ng panahon, pag nag-asawa yung mga anak ko, tapos mapi-feel niya yung ginawa sa anak niya siyempre hindi rin siya papayag na ganun.

"Sabi ko talagang mag-stop na, kung ayaw mong mag-stop, e, di mag-isa ka na lang sa buhay!"

Sa mga babaeng may balak umaligid kay Manny...

"I'll pray, I'll pray, I'll pray for them! Yeah. Kung may balak sila, ipagpe-pray ko na lang sila."

1  2  Next »

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name