According to feng shui expert Marites Allen (not in photo), people born under the sign of Horse (like Sharon Cuneta, top left) and under the sign of Rooster (like Coco Martin, bottom right) are very lucky this year. However, those born under the sign of Boar (Kris Aquino, top right) and Dog (Akiko Solon, bottom left) should be very careful.

Photo: File photos

Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kilalang feng shui expert at World of Feng Shui (WOFS) Philippines owner na si Marites Allen sa taunan nitong The Feng Shui Update talk and free consultation sa SM Mall of Asia, kahapon, Enero 21.

Kabilang sa mga gustong malaman ng PEP mula sa sikat na geomancer ay ang prediksyon nito para sa mga artista na pinili ng PEP base sa mga balitang kinasangkutan ng mga ito nitong mga nakaraang araw, at sa Chinese animal signs nila.

Sa part one ng artikulong ito (CLICK HERE to read related story), sinabi ni Madam Marites na bagay talaga ang My Beloved stars at magkasintahan na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil "friends" o "allies" ang Chinese animal signs nila.

Bilang Rat person, makakaranas daw ng tensyon si Marian ngayong taon na kailangan namang ibsan ni Dingdong.

"Marian is a Rat, Dingdong is a Monkey. So, they are very good for each other," aniya sa dalawang Kapuso artists.

Dahil pagod na at kailangan din niyang ipahinga ang kanyang boses para sa isa pang feng shui talk na gaganapin naman sa Manila Hotel mamayang bisperas ng Chinese New Year celebration, nag-request ang feng shui expert kung puwedeng sina Marian at Dingdong na lang muna ang bigyan niya ng prediksyon.

Ibase na lang daw sa booklet na ipinamimigay niya sa kanyang feng shui conventions ang kapalaran naman ngayong Year of the Water Dragon ng mga artistang nasa listahan ng PEP.

"I am going to authorize you to copy everything here," sabi pa ni Ms. Marites.

Kaya't heto ang kapalaran ng mga artista ngayong Year of the Water Dragon base sa pag-aanalisa ni Marites Allen sa mga animal signs ng Chinese Astrology.

DINGDONG DANTES. Ipinanganak nuong 1980, sinabi na ni Ms. Marites na bagay ang Monkey na si Dong sa girlfriend nito na si Marian na ipinanganak naman nuong year of the Rat.

Dahil may nakitang tensyon ngayong taon si Marites kay Marian, to the rescue naman si Dong na ngayong taon ay kinakailangan talagang kontrahin ang mga negatibong puwersa na puwedeng makaapekto sa relasyon niya kay Marian.

Sabi pa ni Ms. Marites tungkol sa Monkey ngayong taon, "Needs to counter inauspicious energies that harm relationships."

Pero maganda naman daw ang pasok ng pera kay Dong ngayong Year of the Water Dragon.

"Wealth and success luck are with you this year," ayon pa sa geomancer.

ANGEL LOCSIN. Ipinanganak nuong 1985, Year of the Ox, magiging maganda pa rin naman daw ang taong ito para kay Angel kahit na hindi kasing-gaan nuong nakaraang taon.