Malapit nang magwakas ang Daldalita, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Ogie Alcasid at Jillian Ward sa GMA-7.
Dito rin sa seryeng ito ipinakita ni Ogie ang isa pa niyang side—ang drama. Mami-miss daw niya ang show kapag natapos na ito.
Nakausap ang singer-actor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press visit sa Daldalita, sa kanilang taping sa Antipolo kahapon, January 21.
Dito sinabi ni Ogie, "Naging close rin kami. At nakita kong napakabait ng batang 'yan, si Jillian.
"Mami-miss mo siyempre yung samahan, kahit paano. Sixteen weeks din kaming nagsama ng crew, staff.
"Marami rin akong natutunan as an actor.
"Dito iba, drama 'to, e. Siyempre, sanay ako sa comedy.
"So, medyo na-appreciate ko rin yung hirap na ginagawa nila rito."
Posible naman daw na masundan pa rin ng isa pang serye ang ginawa niyang Daldalita.
"Why not, why not? Hindi naman yung heavy. Basta yung bagay lang sa akin.
"I can do a father role or something with a kid, kasi, parang malapit sa puso ko yun, e. Yung pagiging father. I don't mind doing that."
Tinanong din namin si Ogie kung may follow-up offer na sa kanya ang network.
Sagot niya, "Nag-usap kami ng GMA. Sabi ko lang, can you space it lang?
"Kasi, I'm doing two movies after this. Boy Pick-up at saka Dubidoo I Love You yata ang title.
"Kasama ko sina Uge [Eugene Domingo], Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion; it's a musical."




0

