Iwa Moto wants to make a comeback: "Sana unti-unti akong makilala ng tao... pagbubutihin ko naman, pag trabaho, trabaho talaga ako."

Arniel C. Serato
Sunday, January 22, 2012 @ 04:23PM  |  40552 views

Ayon kay Iwa Moto, isang wish granted ang pagpasok niya bilang regular guest co-host sa Wil Time Bigtime sa TV5. Ngunit may ipinadala raw na sulat ang GMA-7 sa Wil Productions na nagpa-alalang may kontrata pa sa kanila ang StarStruck alumna. Minabuti muna ni Iwa na magpahinga sa kanyang pagho-host. Nagpadala rin ang kanyang abugado ng sulat  sa  GMA, umaasa na mapagbigyan ang kanilang hiling na makapagtrabaho na ulit.

 

 

 

Photo By: Noel Orsal













Iwa Moto is finally back.

'Yan ang eksklusibong deklarasyon ng ng StarStruck alumna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Pasaway" ang bansag sa kanya ng ilang tao sa showbiz, at aminado naman daw si Iwa.

Pero klinaro niyang hindi sa trabaho kundi sa personal na buhay siya maraming pinagdadaanan.

Nakausap ng PEP ang aktres at TV host nuong January 14, 2012.

Aniya, "Never akong naging pasaway sa  [trabaho]. Kahit sinong tanungin mo sa GMA-7, sa pagtatrabaho, never akong naging pasaway.

"Minsan nali-late ako, tatawag ako, sobrang traffic, kasi nga galing ako sa south."

Parang misunderstood lang ba siya?

"Yeah, I can say that... Akala kasi ng lahat, e, pasaway ako, e.

"Feeling ko na-tag lang naman ako na pasaway because of StarStruck, nagkaroon kasi ng incident there.

"Kaya lang tao lang ako, e, nagkamali."

'AKALA KO TALAGA SIYA NA!' Isa sa tinutukoy ni Iwa na personal na mga pinagdadaanan niya ay ang episode ng kanyang buhay kasama ang apat na taong karelasyong si Mickey Ablan.

Matatandaang bago pa man tuluyang nagkahiwalay ang dalawa, maraming mga insidenteng "nagkasakitan" ang dating magnobyo.

May lumabas pa noon na nagpakamatay daw si Iwa dahil sa hiwalayan nila ni Mickey.

May insidente pa ng panunugod daw ni Mickey kay Iwa sa taping nito sa GMA na humantong sa habulan sa loob ng compound ng istasyon.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

35 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name