Carmina Villarroel on her meeting with Rustom Padilla/BB Gandanghari: "Nakakatuwa kasi para kaming friends. Yung tawa lang kami nang tawa. Kinda weird, pero maybe because wala nang galit sa puso ko. Happy na ako sa buhay ko. Parang right timing lang talaga."

Photo: Noel Orsal

Isang welcome VTR ng messages ng ilang Kapamilya stars na naging kaibigan at katrabaho niya noon ang isinalubong ng The Buzz kahapon, January 22, sa nagbabalik-ABS-CBN na si Carmina Villarroel.

Pagkatapos ng VTR, ito ang nasambit ni Carmina:

"Grabe, speechless naman ako. Thank you so much. Nakaka-overwhelm.

 "Siyempre, gusto kong magpasalamat sa kanilang lahat.

"Kina PJ [Piolo Pascual], Agot [Isidro], Kris [Aquino], Jomari [Yllana].

"Totoo ang sinabi nila, parang hindi naman ako nawala, nandidiyan lang ako.

"Pero, laking-ABS talaga ako."

Nagsimula sa telebisyon si Carmina sa pamamagitan ng sitcom na Palibhasa Lalake noong 1991 at doon siya nanatili hanggang 2003, nang lumipat siya sa GMA-7. Ngayon ay bumabalik siya sa ABS-CBN.

Two-year contract ang pinirmahan ni Carmina sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN.

Nakatakda siyang gumawa ng serye at talk show sa television network, at pelikula para sa film arm nito, ang Star Cinema.

Ayon sa co-host ng The Buzz na si Boy Abunda, madalas silang magkita ni Carmina. Pero exceptional daw ang araw na yun dahil ang ganda-ganda ni Carmina.

Ayon naman sa actress-TV host, "Thank you.

"Maybe because I'm just so happy. 

"So, siguro, medyo lumalabas talaga yung ating kaligayahan na nararamdaman sa aking puso.