Ano ang nakikita ng mga psychic na magiging kapalaran ng mga tiga-showbiz?
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Sabado, January 21, ang isa sa kanila—si Robert Dass.
Si Robert ang siyang nag-predict na mabubuntis daw si Kris Aquino sa taong ito, at si Coco Martin ang magiging ama ng sanggol.
ABOUT ROBERT. Isang half-British at half-Indian si Robert.
Ang kuwento niya sa PEP, "I noticed that I have this gift from God when I was 10 years old, then I developed it when I am 14 years old.
"When I was [in] Elementary, na lahat ng sinasabi ko sa mga teachers ko at principal came true...
"Kung may makikita akong masamang mangyayari sa boat or plane, even dun sa sinasakyang paboritong boat na sinasakyan, sabi ko, 'Di na muna ako sasakay dito kasi there's something [that's going to] happen.' It really... There's something [that really] happened on that boat.
"Minsan, sounds crazy kung bakit ganun?"
Siya raw ang nag-predict dati na "mag-aasawa" si Kris, at "lalaki magiging anak niya."
Aniya pa, "Pinuntahan ko siya noon sa taping ng The Buzz pa before, at sinabi ko sa kanya na, 'Kris, lalaki magiging anak mo.'
"Sinabi ko talaga sa kanya yung direct to the point, aside sa sinabi ko sa mga newspaper at sa radio ni Jobert Sucaldito na ini-announce ko na lalaki magiging anak niya, and lahat, gusto babae.
"Sa akin kasi, hindi ko iniintindi to make you feel good or to make you feel bad, I will tell what I can see and what I can feel na nakikita ko."
Ano yung reaksiyon ni Kris nung sinabi niya yung kanyang dating hula?
"Siyempre, parang di niya matanggap kasi gusto niya nga, babae maging anak niya.
"Ako naman kasi, di ko sinasabi na, 'Sige, babae, I give you hope,' kahit hindi naman, di ba?




0

