Maagang dumating si Priscilla Meirelles-Estrada sa kanyang inihandang baby shower na ginanap noong Linggo, Enero 22, sa Manila Peninsula Hotel sa Ayala, Makati.
Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga inimbitahan ni Priscilla na dumalo sa naturang selebrasyon.
Bukod kasi sa baby shower, nagsilbi na rin itong isang charity event, dahil imbes na regalo para sa kanyang magiging anak, donasyon para sa C.R.I.B.S. Foundation ang kanyang ipinadala sa mga bisita.
Ang C.R.I.B.S. ay isang NGO (non-government organization) na nangangalaga sa mga inabandonang sanggol at mga dalagang menor de edad na pinagsamantalahan.
Eksklusibo nakapanayam ng PEP si Priscilla, at dito'y naikwento niya kung paano naging Anechka ang pangalan ng kanyang anak kay John Estrada.
"Actually, it was pronounced as Aneka.
"We were like, you know, having a hard time to pick a name because we are so picky when it comes to that, we really wanted our daughter to have a unique name.
"And a week ago we finally agreed that we had a common understanding with the name, we were searching through a lot of names and my husband chose Anechka.
"My husband liked the name because it is unique.
"It's actually Russian, it's a Russian name and it means—I like the fact that it symbolize—it means grace, and it's also a biblical name, it means the one chosen by God to speak."
NINONGS AND NINANGS. Ang petsa ng panganganak niya'y sa Pebrero 4, ito'y isang linggo matapos ang kanilang first wedding anniversary sa Enero 26.
Mula raw ng siya'y magbuntis ay naka-alalay na ang kanyang asawa. Minsan pa nga ay natatawa sa kanya ito kapag sinasabi niyang nagugutom siya.
"He thinks I'm using my pregnancy as an excuse for eating a lot. Pero nagugutom lang talaga ako!" natatawa niyang ikinuwento.
Marami na rin daw siyang napamiling gamit para sa kanilang baby girl, na ikinagugulat din ni John dahil tila hindi matapos-tapos ang kanyang pamimili.
Pero, kung mayro'n man daw siyang ipauubaya kay John, ito'y ang pamimili ng magiging ninong at ninang ng kanilang anak.




0

