Noong Sabado, January 21, ay binigyan ng isang surprise advance birthday party ni Robin Padilla ang anak nitong si Kylie Padilla.
Marami ang naintriga kung bakit wala ang nababalitang boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica.
Kaya nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, January 22, ay tinanong namin siya kung bakit nga wala siya sa birthday party ni Kylie.
Paliwanag ng young actor, "Galing kasi ako sa Iloilo, e. Late na ako nakauwi.
"Hindi ko pa napag-aralan 'yong ibang ano ko [production number]... sa Party Pilipinas.
"So, nagpaalam ako kay Kylie na hindi ako makakarating."
May plano ba silang celebration ng birthday ni Kylie na para sa kanilang dalawa lang?
"Kung sasabihin ko, e, di malalaman n'yo na?" sabay tawa ni Aljur.
"Uhm.. ewan ko."
Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kylie, lumalabas na parang may nabago na sa dating espesyal na samahan nilang dalawa.
(CLICK HERE to read related story.)
Pero itinanggi ito ni Aljur.
Aniya, "Ha? Hindi.
"Wala. Hindi po. Hindi po.
"Walang ano...same pa rin."




0

