Rocco Nacino on Sheena Halili's reaction to his presence at Kylie Padilla's birthday party: "It's something na she doesn't have to be jealous about."

Ruben Marasigan
Tuesday, January 24, 2012 @ 10:19AM  |  13730 views

 

Rocco Nacino on balancing career and lovelife: "Para sa akin, it's all about balance, e. Kaya namang ibalanse, e. And siyempre, kung may lovelife ka, ipaglaban mo 'yon. Kung mahal mo 'yong tao, dapat ipaglaban mo. Paano magba-balance? Siyempre by knowing what is necessary, being sensitive, and knowing your priorities."

Photo By: Erwin Santiago













Sa surprise advance birthday party para kay Kylie Padilla noong Sabado, January 21, hindi ang dati pang nali-link sa dalaga na si Aljur Abrenica ang naging special guest nito.

Ito ay ang kapareha ni Kylie sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na The Good Daughter—si Rocco Nacino. 

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, January 22, tungkol dito ang unang naging paksa ng aming usapan.

"Siyempre, katrabaho ko kasi siya," sabi ni Rocco.

"Kasama kong nagpunta 'yong director namin. At saka 'yong EP [executive producer] namin. 

"Nando'n kami para i-greet siya in advance ng happy birthday."

Sa Miyerkules, January 25, pa ang mismong kaarawan ni Kylie. 

Noong technical rehearsal ng production number nila para sa Party Pilipinas noong Sabado ng hapon, nagkukunwari pa raw si Rocco sa harap ni Kylie na wala siyang alam sa surprise party para sa dalaga.

Natatawang kuwento ni Rocco, "Sabi niya, 'Hanep, ang galing mong umarte kanina! Hindi ko na-figure out na may balak ka palang pumunta!"

MEETING ROBIN. Patuloy pa ni Rocco, "Ipinakilala ako kay Tito Binoe [Robin Padilla, Kylie's dad].

"Naging okey naman ang usapan namin. 

"Parehas kami ng trainor sa pagbubuhat [sa gym]. So, at least meron akong ice breaker kaagad. 

"And from there, naging maganda ang usapan namin."

Wala bang ibinilin sa kanya si Robin since siya ang leading man ni Kylie sa susunod nitong proyekto?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name