Anne Curtis on settling down: "For me, it doesn't matter what your age is as long as you know that person is the right person for you and you know that it's the right time. It could be tomorrow. It could be three, four, five years, or it could be months. Who knows?  But for me, it depends on when you know that this is it, this is forever. That's when you make a decision."

Photo: Noel Orsal

Naging napakaganda ng taong 2011 para kay Anne Curtis.

Sunud-sunod ang naging tagumpay niya sa iba't ibang larangan na pinasukan niya—blockbuster movie (No Other Woman) at hit album (Annebisyosa).

Sa pagpasok naman ng 2012, ang pinapangarap lang na concert ni Anne noon ay matutupad na. 

Gaganapin ang "first and last" concert ni Anne, ang Annebisyosa: No Other Concert, sa Araneta Coliseum sa January 28.

Dahil dito, binabansagan na ang Kapamilya actress at Viva talent bilang "Concert Sweetheart."

"Naloka naman ako sa 'Concert Sweetheart!' I love it!" sabi ni Anne sa panayam sa kanya ni Charlene Gonzalez sa The Buzz, noong Linggo, January 22.

Ayon kay Charlene, bongga talaga si Anne dahil ang ibig daw palang sabihin ng initials nito na A.C. ay hindi Anne Curtis kundi "Araneta Coliseum."

Tugon naman ni Anne: "Korek! Araneta Coliseum...Soon! A.C.S, di ba?

"Sobrang kinakabahan ako, but first and foremost, I wanna say thank you sa lahat ng singers na bumati, thank you so much. 

"And to my mommy, yes, ito na, lukang-luka na talaga ako. Go for it!"

Ilang araw na lang at matutupad na nga ang isa sa "greatest dreams" ni Anne.

Ano nga ba ang eksaktong nararamdaman niya ngayon?

"Kaba!" bulalas ni Anne.

"Kasi, yun talaga ang pinaka...

"I'm so nervous, sobra akong kinakabahan.