"It took a long time. Nothing comes quickly. Nothing comes easy for those who have ambition," says model Georgina Wilson about how she got to the body she has now.

Photo: Rommel R. Llanes

Pakiramdam ni Georgina Wilson, unti-unti na siyang nagiging showbiz.

Hindi naman nakapagtataka, dahil bukod sa pagiging pamangkin ng 1969 Miss Universe at beteranang aktres na si Gloria Diaz, halos puro taga-showbiz ang mga malalapit na kaibigan ng 25-year-old Filipina-British model.

Kasama na rito sina Anne Curtis, Raymond Gutierrez, Liz Uy at iba pa. Minsa'y naging boyfriend pa nito si Richard Gutierrez.

Malaking tulong para mas makilala sa showbiz si George—palayaw ni Georgina—nang maging guest celebrity judge ito ng Showtime noong nakaraang taon.

At bago matapos ang 2011, naging kontrobersiyal pa ang Channel V VJ nang umani ng reaksyon ang tweets niya tungkol sa courtesy call ni Paris Hilton kay Presidente Noynoy Aquino (hindi siya approve) at ang paglabas niya sa America's Next Top Model (bilang consultant).

"Lagi na 'ko sa PEP!" bulalas pa ni Georgina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bago ang pagpapakilala sa kanya bilang bagong endorser ng Globe Tattoo, sa Ayala Museum, Makati City, noong Huwebes, Enero 19.

Hindi naman sa tonong nagrereklamo ang pagkakasabi ni Georgina tungkol sa pagiging laman niya ng PEP.

Mas nasa tonong natutuwa ang pagkakabigkas niya, dahil sa pakiramdam nga niya'y unti-unti na siyang nagiging showbiz.

"It's funny because people always ask that, and I feel I'm so showbiz na.  

"I guess they're just waiting for me to be in mainstream TV."

Kung aalukin nga raw siya ng isang proyekto sa showbiz, wala naman daw magiging problema sa kanya.

"I'm open to everything. I feel like, if the right program is given, just like in Showtime, and that was amazing!

"I had so much fun with everybody there.   

"And if it's something that I feel comes in naturally, you know, what I am and what I stand for—then, of course, why not?

"I mean, I love showbiz!"