news

Model Georgina Wilson says being fat as a kid made her sensitive about her body

by Rommel R. Llanes posted on January 25, 2012  STATS: 6234 Views | 10 Comments

 

"It took a long time. Nothing comes quickly. Nothing comes easy for those who have ambition," says model Georgina Wilson about how she got to the body she has now.

Photo By: Rommel R. Llanes

Pakiramdam ni Georgina Wilson, unti-unti na siyang nagiging showbiz.

Hindi naman nakapagtataka, dahil bukod sa pagiging pamangkin ng 1969 Miss Universe at beteranang aktres na si Gloria Diaz, halos puro taga-showbiz ang mga malalapit na kaibigan ng 25-year-old Filipina-British model.

Kasama na rito sina Anne Curtis, Raymond Gutierrez, Liz Uy at iba pa. Minsa'y naging boyfriend pa nito si Richard Gutierrez.

Malaking tulong para mas makilala sa showbiz si George—palayaw ni Georgina—nang maging guest celebrity judge ito ng Showtime noong nakaraang taon.

At bago matapos ang 2011, naging kontrobersiyal pa ang Channel V VJ nang umani ng reaksyon ang tweets niya tungkol sa courtesy call ni Paris Hilton kay Presidente Noynoy Aquino (hindi siya approve) at ang paglabas niya sa America's Next Top Model (bilang consultant).

"Lagi na 'ko sa PEP!" bulalas pa ni Georgina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bago ang pagpapakilala sa kanya bilang bagong endorser ng Globe Tattoo, sa Ayala Museum, Makati City, noong Huwebes, Enero 19.

Hindi naman sa tonong nagrereklamo ang pagkakasabi ni Georgina tungkol sa pagiging laman niya ng PEP.

Mas nasa tonong natutuwa ang pagkakabigkas niya, dahil sa pakiramdam nga niya'y unti-unti na siyang nagiging showbiz.

"It's funny because people always ask that, and I feel I'm so showbiz na.  

"I guess they're just waiting for me to be in mainstream TV."

Kung aalukin nga raw siya ng isang proyekto sa showbiz, wala naman daw magiging problema sa kanya.

"I'm open to everything. I feel like, if the right program is given, just like in Showtime, and that was amazing!

"I had so much fun with everybody there.   

"And if it's something that I feel comes in naturally, you know, what I am and what I stand for—then, of course, why not?

"I mean, I love showbiz!"

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  ClawClown

    01/28/2012 | 12:19 PM
    9tangerine Kaya pala BFF sila ni Raymond G, pareho pala diretso katawan nila, hahaha! Pero ganda ng mukha ni Georgina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tangerine_dream114

    01/25/2012 | 06:48 PM
    trademark pose nya yung kamay nya nasa bewang, straight kse yung body nya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • qazx

    01/25/2012 | 12:26 PM
    maganda ang face nya. but she is not SEXY
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    01/25/2012 | 12:07 PM
    panawagan ni GEORGE WILSON harangin si rachel weilz at kasamahan na makapasok sa malakanyang para mag courtesy call kay pnoy tulad ng ginawa nya kay paris hilton, yong gustong sumama kay georgina punta na sa mendila nandoon na siya 24-7 vigil siya ngayon doon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    01/25/2012 | 11:24 AM
    Georgina Wilson mag vigil at mag barricade ka na sa entrance gate ng malacanang dyan sa may Mendiola dahil mag courtesy call si Rachel weilz at asawa niya kay pnoy...wag mo silang papasukin tulad ng banta mo kay Paris Hilton... hala sugod na sa malacanang georgina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jdcamz

    01/25/2012 | 10:55 AM
    she told pep before that she dont like showbizness. and now shes interested
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • xianmeg

    01/25/2012 | 10:55 AM
    wow! napanood ko yung ANTM 17 and i didn't realize she was there... siya pala yun and she looks very pretty kahit walang gaanong make-up... and with that short scene, she made an impact... na-bog pa yung beauty ni shannon hehehehe... tapang niya dun ah, malamang maraming nagalit na fans ni shannon dun hehehehehe... i advise to wear less make-up, ang ganda niya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • FlyNDance

    01/25/2012 | 10:39 AM
    in fairness ha kakaiba talaga silang magkakabarkada-it's up to u how u put into perspective. si anne ex si richard na ex din ni georgina na nalink kay solenn. bff din nila si raymond na kapatid ni richard at kapatid ni ruffa na ex ni lloydie na ex naman ni liz uy. si anne bf ngaun si erwab na brother ni solenn na ex si derek na nalink somehow ke anne.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    01/25/2012 | 09:02 AM
    Wow, sossy at classy kase nanunood ng WALANG HANGGANG. Love this girl. May taste talga at pang worldclass din. Okay na sana cya, kaso dinagdagan pa ng Legacy, naging corny na tuloy... Pero I still like you. Go girl!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    QueenRoxy611
    05/18/2013 | 12:27 AM
    iam_brainful Typical Kapamilya fan, eh? So being kapamilya equates to being classy? Ridiculous, isn't it? No wonder, your logical ability is affected badly!
  • canada_143

    01/25/2012 | 08:06 AM
    ex ni anne at ex niya..buti nalang my gf si derek..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About