PART 1 Governor Vilma Santos on Jennylyn Mercado: "Kahit sino pa siya, kapag ginusto siya ng anak ko at masaya ang anak ko sa kanya, wala sa akin 'yong boto-boto."

Ruben Marasigan
Wednesday, January 25, 2012 @ 07:08PM  |  447 views

 

"Kung one day sasabihin nga ni Luis sa akin na mag-aasawa na siya, okey lang sa akin. Oo naman! Hindi ko lang alam kapag nakita ko na sa aisle! Kasi uma-attend ako ng wedding ng iba, di ba? Kung sa iba naiiyak ako, lalo na kapag close sa akin... 'tapos nakikita ko lumalakad na 'yong bride, naiiyak ako. Dyusko! How much more kapag anak ko na 'yong makikita ko na... ayyyy! Ha-ha-ha!" says Governor Vilma Santos when asked about how she would feel if son Luis Manzano decides to settle down.

Photo By: Monching Jaramillo













Pinangunahan ni Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ang induction ng new set of elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap kahapon, January 24, sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City. 

Guest of honor din sa nasabing okasyon si German Moreno at ang presidente ng National Press Club na si Jerry Yap.

Natutuwa raw si Ate Vi na siya ang naimbitahan ng PMPC na maging inducting officer nito. Talagang isiningit daw niya ito sa kanyang busy schedule.

"I'm happy kasi marami na rin akong henerasyon ng PMPC na naabutan," ani Vilma nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Imagine, 27 years na ang PMPC. 

"Kahit na hindi ako gano'n ka-active sa movie industry dahil sa isa ko pang trabaho bilang isang public servant, nandito pa rin kami. 

"At gusto pa rin namin 'yong mga ganitong get-together.

"And in my own little way, kung meron akong maisusuporta para mas mapalawak at matulungan ang anumang responsibilidad o adhikain na meron sila, nandito lang ako."

Basta para sa entertainment press, lagi nga raw siyang may panahon. Kaya naman maituturing din siyang "Darling of The Press For All Seasons."

"Because this is also my life," sambit naman ng actress-politician. 

"Again, lagi akong may time sa kanila dahil uulitin ko, malaking parte kung saan ako nando'n ngayon, utang na loob ko 'yan sa mga press people.

"Na sabi ko nga, ilang generation na 'yong nandito... Aminin nila, kasama ko na since bata pa ako. 

"And now, may mga bagong miyembro.

"But, kung saan man ako nakatayo ngayon, malaking-malaking parte nito ay utang na loob ko sa press people."

LUIS & JENNYLYN. Sa bibihirang pagkakataong nakakaharap ng media si Vilma, lagi ay natatanong siya tungkol sa relasyon ng anak niyang si Luis Manzano sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name