Diamond earrings ang regalo kay Alex Gonzaga ng kanyang Mommy Pinty, na tumatayo ring business manager niya, sa kakatapos na 24th birthday ng TV host-actress noong January 16.
Laging suot ni Alex ang diamond earrings niya, at natutuwang ipinagmalaki pa niya ito habang kausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
First time ba siyang regaluhan ng kanyang ina ng ganung klaseng alahas?
"Lagi kasi akong binibigyan ng mommy ko. Pero ito talaga ang ni-request kong buo.
"Yung iba kasi, illusion. Yung iba naman, maliit lang.
"Ako, nag-request talaga ako na malaki," sabi ni Alex.
Hindi raw niya tinanong sa kanyang ina kung magkano ang halaga ng hikaw.
"Parang ang panget naman yata nun na pagkabigay sa akin, 'Magkano ba ito?'
"Ang importante, yung regalo."
NO GIFT FROM HER ATE TONI. Mabilis ang sagot ni Alex sa tanong namin kung may natanggap ba siyang regalo mula sa kanyang Ate Toni Gonzaga.
"Hindi naman kami nagreregaluhan ng ate ko.
"Parang hindi naman ano sa amin yun.
"Sinasabi ko nga, 'Ate, regaluhan mo ako ng ganito, 'tapos bibilhan kita ng ganito.'
"Sasabihin niya, 'Hmph, pareho lang naman 'yan.'
"Siya pa rin naman 'ata ang nagbabayad!" natatawang sabi ni Alex.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 Gellargreene
6 Gellargreene
5 hernandyb
4 Bitchy_nasty77
3 Chuserangfrog73
2 Chuserangfrog73
1 popstar