Glaiza de Castro drops hints she's being courted by a non-showbiz guy

Ruben Marasigan
Wednesday, January 25, 2012 @ 04:42PM  |  179 views

 

Glaiza de Castro on having a lovelife: "Hindi ko pa kasi masasabing meron, e. Kasi naka-focus ako sa work. Cliché na pakinggan, pero ayoko munang i-prioritize ang lovelife ngayon. Dahil mahirap."

Photo By: Noel Orsal













Noong Sabado, January 21, nag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Glaiza de Castro. 

Masaya naman daw siya kahit simpleng selebrasyon lang ito, kasama ang mga mahal niya sa buhay.

"Nag-celebrate ako sa Tagaytay," kuwento ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, January 22.      

"Wala lang, away from the city lang. Na different ang weather kasi malamig do'n."

Parang nagsilbing bonding na rin daw nila 'yon ng kanyang pamilya at ilang malapit niyang kaibigan. 

"Sinorpresa nila ako, e. 

"Lahat ng mga taong special at malapit sa akin, hindi ko in-expect na pupunta do'n. Inasalto nila ako, e."

Na-touch daw siya sa ibinigay na birthday gift ng pamilya niya sa kanya.

"Nauna nang ibinigay nila sa akin 'yon bago pa man ang birthday ko. 

"Kasi ang tagal ko nang gusto ng bagong laptop. 

"So, iyon talaga ang pinakamasayang natanggap kong gift."

BIRITERA. Isang magandang regalo rin daw para sa kanyang kaarawan ang pagkakasali niya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Biritera.

Tampok rito sina Glaiza, Dennis Trillo, at Angelika dela Cruz.

Ayon kay Glaiza, "After ng Amaya, nakapagpahinga ako ng sakto lang, 'tapos may bagong project na naman. 

"Nakakatuwa pa na itong Biritera ay tungkol sa music na...

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name