Glaiza de Castro on having a lovelife: "Hindi ko pa kasi masasabing meron, e. Kasi naka-focus ako sa work. Cliché na pakinggan, pero ayoko munang i-prioritize ang lovelife ngayon. Dahil mahirap."

Photo: Noel Orsal

"Si Sid talaga?" natawang reaksiyon ni Glaiza.

"Hindi! 'Yong issue naman na 'yon ay parang ano lang... na-sensationalize lang."

Hindi talaga nanliligaw si Sid sa kanya?

"Wala. Hindi."

Isa pa, may girlfriend na si Sid na miyembro ng isang all-female band.

Tila imposibleng wala siyang manliligaw sa ngayon. Baka inililihim lang niya?

"Inililihim talaga?" natawa ulit ang young actress.

"Kasi ako 'yong tipo ng tao na hindi talaga ako mahilig mag-publicize ng mga personal ko."

So, meron nga? Non-showbiz ba ito kaya ayaw niyang ma-publicize ang tungkol dito?

"Puwede!" sabay tawa na naman niya.

Meron nga ba?

"A... mainam. Hindi ko pa kasi masasabing meron, e. Kasi naka-focus ako sa work.

"Cliché na pakinggan, pero ayoko munang i-prioritize ang lovelife ngayon. 

"Dahil mahirap."

WHOEVER. Choice ba niya na non-showbiz ang i-entertain na manliligaw?