Malapit na ang pagtatapos ng afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit ng GMA-7, na pinagbibidahan nina Michelle Madrigal, Carla Abellana, at Mike Tan.
Sabi nga ni Michelle nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanilang soap noong Lunes, January 23, sa isang police station sa Fairview, "Maganda ang ending namin at kailangang abangan.
Masaya raw ang young actress sa feedback sa pagganap niya bilang Bridget sa Kung Aagawin Mo Ang Langit.
Ayon kay Michelle, "Sa akin, natutuwa ako kapag tinatawag nila akong Bridget, at kapag naiinis sila sa akin.
"Kasi, ibig sabihin, effective ka sa ginagawa mo.
"Hindi kasi ako masyadong nagbabasa sa Facebook.
"Sina Ms. Kaye [Cadsawan, executive producer], kapag nabasa nila, 'Bridget, halika, basahin natin 'to... Ang sarap sabunutan ni Bridget! Ang sama na talaga ni Bridget!'
"Minsan may magtu-tweet sa akin, 'Alam mo, ang sama ng character mo, pero gusto kita bilang pagganap mo.'
"Nakakatuwa kasi hindi na sila kagaya before na kapag bida-kontrabida ka, ayaw na ayaw nila sa 'yo, di ba?
"Parang ngayon, mas understanding na ang viewers. Alam naman nila na show lang yun.
"So, nakakatuwa naman."
Nagustuhan ba niya ang naging development ng character niya sa kanilang soap?
"Oo naman!" mabilis niyang sagot.
"Pero, sinabi ko talaga sa kanila before na hindi talaga ako ang scheming na masama.
"Pero siyempre, sa isang story, lalo na at na-extend, hindi naman puwedeng lahat kami, mabait.




0

