news

PART 2 Star For All Seasons Vilma Santos celebrates 50th year in showbiz; proud of son Luis Manzano as new Deal Or No Deal host

by Ruben Marasigan posted on January 25, 2012  STATS: 21585 Views | 16 Comments

 

Vilma Santos on son Luis Manzano: "He's really good. And he's very serious with his job. Seryoso siyang nagtatrabaho. He's not... hindi because anak ko siya. Pero, I'm here to support him. I will pray for him, na sana he will do good being the new host of Deal Or No Deal."

Photo By: Monching Jaramillo

Ngayong taon ang 50th anniversary sa showbiz ni Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos. 

Sa estado niya ngayon bilang aktres at pulitiko, malaki raw ang utang na loob niya sa industriya.

"I started when I was nine [years old]," sabi ni Vilma.

"Ngayon, sabihin n'yo sa akin, bakit hindi ko kailangang tanawin ng malaking utang na loob?  

"Na kung nasaan man ako ngayon, a big part of this ay utang ko sa mga press people.

"And, of course, sa lahat ng audience. 

"Sa lahat ng Vilmanians, sa mga Pilipino, na hanggang ngayon ay nagmamahal at tumatangkilik sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vilma kahapon, January 24, matapos siyang maging inducting officer ng newly-elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Sa golden year niyang ito sa showbiz, wala na nga siguro siyang gustong ma-achieve pa bilang artista. 

Napatunayan na niya ang kanyang kalibre bilang isang mahusay na aktres, sa dami na rin ng acting awards na napanalunan niya. 

At bibihira lang ang mga kagaya niyang artista na tumatagal sa industriya, na solid pa rin ang pagiging in-demand pagdating sa mga alok na projects at sa pagkakaroon ng box-office appeal.

Wala na nga ba siyang hinahangad pang iba, pagdating sa kanyang showbiz career?

"Hindi pa... Kasi ang dream ko rin some day, baka matapos sa pulitika...pero ang dream ko dapat, kung hindi ako napasok sa pulitika—gusto ko talagang maging direktor.

"And siguro, I might produce a movie again. And then maybe direct a movie nga.

"Iyon pa rin 'yong gusto kong puntahan," sabi niya.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  mamamomchang

    01/27/2012 | 04:59 PM
    Kulang sa pansin si alfie lorenzo kaya galit siya kay Vilma. Wala naman pinatutunguhan ang galit niya kay Vilma dahil kahit anong gawin niya, he cannot put an actress like Vilma down. Walang magaling kay Alfie kundi yun mga artistang nagbibigay sa kanya ng datung. Mukhang kwarta ang matandang hukluban na yan kaya walang kakwenta kwentang tao siya. Sirang sira ang credibility niya sa taong bayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  mamamomchang

    01/27/2012 | 04:54 PM
    Sana wala ng mga inngitera sa mundo. Sana happy na lang ang lahat kung maganda man ang tinatakbo ng career ng isang artista tulad ni Vilma Santos. At kung sa tingin nila ay kinakabog ang iba nilang idolo ay quiet na lang sila imbes na manira. Imagine up to know may mga movie at tv offers pa rin si Vilma ay talaga naman hindi mo matatawaran. Tiwala pa rin ang mga producers kay Vilma dahil isang magaling na artista si Vilma at kahit kailan ay di pagsasawaang panoorin. Exciting ang 2012 para kay Vilma dahil baka mak 2 movies siya this year. Mabuhay ka Governor Vilma!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  hototguy

    01/26/2012 | 03:36 PM
    Si Alfie na kulang sa pansin, pag di binati kasunod nun ay todo todong banat na. Kesyo malalaos ang mga walang utang na loob. Ganyan si Alfungi kung makapanlait. Pero bulag sya sa mga pinagagawa ng iniidolo nya kunwari.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Paradigm

    01/26/2012 | 11:53 AM
    ....at kung bakit diring-diri rin siya sa mga pelikula ng Star Cinema na halos Star Magic Talents ang bida. na kung saan minsanan lang magka-movie si Juday under Star Cinema. OVERALL, galit siya sa ABS-CBN, kay Charo Santos, kay Eugenio Lopez. Diba ang babaw ni tandang baklush?! Instead atupagin nalang sana niya ang health niya para humaba pa ang buhay buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  sandrab

    01/26/2012 | 11:52 AM
    Love you Ate Vi and Luis !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Paradigm

    01/26/2012 | 11:52 AM
    Firstly, galit si Senior Citizen Lorenzo kay Ate V for the reason na NORANIAN ito.. the reason din kung bakit tudo paninira niya kay Claudine dati na tinanyagang NEXT Vilma Santos at si Judy Ann naman na pinakamahal niyang alaga as NEXT Nora Aunor.. connected din kung bakit galit na galit na galit siya kay Piolo dahil nung binansagang best loveteam ang Juday-Piolo na kung saan malaki ang kinikita niya AY saka naman gusto ng Star Magic or Piolo itself na ayaw maging dependent sa loveteam lamang but to be recognized as a solo artist at ipinares naman ito kay Claudine via Milan under Star Cinema. Lahat ng makapareha ni Piolo ay ayaw niya at magiging laos daw which INCLUDING ANGEL LOCSIN, BEA ALONSO, AT KC CONCEPTION na honestly 2012 nalang ay HINDI KO PA RIN MARAMDAMAN ang pagkalaos ng mga to. Kaya todo-below-the-belt ang tira ni Alfie kay Papa P at kay Mr M. Totality, GALIT NA GALIT SIYA SA STAR MAGIC at lahat ng mga talents nito na nakikiagaw sa kasikatan ni Judy Ann Santos… at kung bakit diring-diri rin siya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  sandrab

    01/26/2012 | 11:51 AM
    Kahit si Kris mismo gusto nyang si Luis ang mag host ng deal or no deal kaya for sure magugustuhan ng tao at tatangkilikin nila !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sandrab

    01/26/2012 | 11:49 AM
    galing naman ni Ate Vi super mom sya talaga kay Luis !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sandrab

    01/26/2012 | 11:48 AM
    Manood ako ng deal or no deal bec. magaling na game show host si luis !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • syetedos

    01/26/2012 | 07:20 AM
    Can somebody tell me bakit si Alfie Lorenzo galit na galit kay Vilma? Para yung galit niya kay Piolo pareho ng galit niya kay Vilma? Parang wala akong makitang dahilan ng galit niya sa dalawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • manofdhr

    01/26/2012 | 01:22 AM
    I enjoyed reading Part 2! I can't get enough of Gov. Vi...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    01/25/2012 | 10:39 PM
    i'd like to see how luis would fair in hosting DOND,,, tumatak kasi si kris sa filipino viewers hosting the game show... pero exciting din to see what luis can do to drum up more interest sa show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • femca

    01/25/2012 | 10:22 PM
    she is an epitome of a real queen of philippine cinema... and to luis congrats and good luck. you deserve it your a multi talented host..from east coast we support you all the way....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    01/25/2012 | 10:04 PM
    Im looking forward ate Vi sa movie mo, The Healing... full support kami dyan at kahit anong project mo. Solid Vilmanian!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • redd

    01/25/2012 | 08:42 PM
    the best... !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • champion_0105

    01/25/2012 | 08:09 PM
    STAR FOR ALL SEASONS!!!! IDOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About