<strong></strong>Meg Imperial reveals she has suitors from TV5, GMA-7, and ABS-CBN


 
"Oo, may taga-TV5, mero'n din sa GMA-7 at ABS-CBN, pero ayokong i-reveal kung sino sila. Sa akin na lang siguro muna yun," says Meg Imperial when asked about who are courting her.

Meg Imperial reveals she has suitors from TV5, GMA-7, and ABS-CBN

John Fontanilla

Rating

Sa mismong taping ng Maynila sa Parks and Wildlife nagdiwang ng kanyang 19th birthday si Meg Imperial noong January 20.

 

Kuwento ni Meg sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang amin siyang makapanayam ng araw na iyon, birthday wish niyang magkaroon ng bagong proyekto sa TV5.

 

Lalo na raw at magtatapos na ang kanyang dalawang shows na Glamorosa at Bagets.

 

"A, siyempre ngayong matatapos na ang mga shows ko, sana masundan ng bagong shows yung nawala.

 

"Mas dumami pa sana yung show ko ngayong 2012," asam niya.

 

"Magkaroon na sana ako ng big break, or sana magkaroon ako ng acting award this year.

 

"Kasi, yun yung mga goal ko this year, sana magkatotoo," sunud-sunod na pahayag niya sa PEP.

 

Ano ang nararamdaman niya ngayong magtatapos na ang dalawang shows?

 

"Siyempre, malungkot. Nag-isip ako. Sabi ko sa sarili ko, 'Ano kaya ang gagawin ko?' Kung meron bang kasunod agad.

 

"Pero, if ever wala, ang naisip ko, back to training ako. Pupuntang JRP [John Robert Powers] para mag-advance ng acting workshop.

 

"Para pag nandiyan na yung work, may makita na silang bago sa akin."

 

Wala pa bang inilalatag na bagong project sa kanya?

 

"As of now wala pa, pero may mga naririnig-rinig [ako].

 

'Pero wala pa talagang shows na inaalok sa akin kapalit ng Glamorosa at Bagets.

 

"Hopefully, sana mapasama ako sa mga bagong bubuksang show ng TV5."

 

BYE BAGETS. Malaki ba ang panghihinayang niya sa pagtatapos ng Bagets Season 3?

 

"Oo, yung sinabi nga sa amin na siguro hindi na magkakaroon ng season 4...

 

"Pero, good thing na nga na-extend kami ng one season. Kasi, ang alam namin noon hanggang season 2 lang."

 

"Nakakalungkot, kasi napamahal na kami sa isa't-isa. Para na kaming magbabarkada.

 

"Kaya naman sobrang lungkot talaga yung naramdaman namin, after the announcement na wala nang season 4 ang Bagets.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  4  5  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
45 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement