Kevin Santos on doing frontal nudity for an indie film: "Tingnan natin, tingnan natin. Depende sa role, kasi okay lang kung may mga ganun-ganung hubad. Pero depende sa ganda ng role at ng movie. Kung alam mong mabababoy ka, huwag na lang."

Photo: Noel Orsal

"Parang... hindi namin napapansin na nagtatrabaho kami," sabi niya.

Wala ba siyang napapansin kay Rhian? Apektado ba ito sa mga negative issues about her?

"Okay siya, ang saya namin. Wala kaming nararamdamang negative.

"Actually, parang pinakiramdaman ko, kinausap-kausap ko siya, okay naman."

Sa pagtatanong niya kay Rhian, pinag-usapan ba nila ang mga isyu?

"Wala naman, hindi naman, kuwentuhan lang.

"Tinitingnan ko kung... nagkukuwentuhan lang, kumusta-kumusta lang.

"Siyempre, hindi ko naman itatanong yung tungkol sa issues tungkol sa kanya.

"Cool lang siya, parang walang nangyari.

"Tsaka ako rin kasi, naiilang ako na kausapin siya tungkol sa mga issues, ayoko namang makialam.

"Pag nandun kami sa set, yung tungkol sa mga eksena namin sa movie ang pinag-uusapan namin, usually puro about the movie."

STARSTRUCK MATES. Ano naman ang reaksiyon ni Kevin sa paglaya ng kapwa niya StarStruck graduates na sina Vivo Ouano at Jeric Rizalado?

Matatandaang na-detain sina Vivo at Ouano dahil sa kaso ng drugs, pero nakalaya na rin.

"Friend ko sila before.

"Kasi matagal din kasi kaming nagkahiwa-hiwalay nung mga yun, kaya hindi na kami ganung ka-close, e.