Ellen Adarna (left) on word war with Isabel and Mara Lopez (right): "Hindi naman siya nag-escalate, pero wala, e, it's better off na hindi lang kami friends. Wala naman ding mangyayari sa buhay namin if friends kami or hindi, di ba? It won't make a difference."

Photo: Noel Orsal

Matindi ang patutsadahan ng castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown na sina Ellen Adarna at ng mag-inang Isabel Lopez at Mara Yokohama. 

Ang sinimulang away sa isla ay itinuloy nila hanggang Maynila, kung saan panay ang parinigan nila sa kani-kanilang Twitter accounts.

Nang huling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen, matindi uli ang mga binitiwan nitong pahayag laban sa mag-ina.

Sinabi kasi nina Isabel at Mara na "quitter-bitters" si Ellen, kasama ang kanyang boyfriend na si Filo Cucueco at ang magkaibigang Jackie Forster at Angelicopter.

Nag-quit ang apat sa Survivor matapos lamang ng ilang araw.

Sagot ni Ellen dito: "So what, quitter nga, e, ano'ng masasabi dun? What can we do? Hahaha! At least kami, hindi kami klepto off-cam!"

Hindi na idinetalye ni Ellen kung sino ang tinutukoy niyang "klepto."

Hindi na lang daw niya ito pinapansin, at medyo natahimik na rin daw sila sa Twitter.

Sabi pa ni Ellen, "Hindi naman siya nag-escalate, pero wala, e, it's better-off na hindi lang kami friends.

"Wala naman ding mangyayari sa buhay namin if friends kami or hindi, di ba?

"It won't make a difference."

Nagkomento rin si Ellen na maihahalintulad daw niya si Mara sa isang "hipon"—maganda ang katawan, pero tapon ang ulo.

"Basta, like mother, like daughter sila. She [Isabel] is very interesting!" natatawa pa nitong pahayag.

ISABEL & MARA. Kinunan ng PEP ng reaksiyon ang mag-inang Isabel at Mara tungkol sa mga patutsada ni Ellen.