Sarah Lahbati excited about Valentine concert in Switzerland; confirms she'll do a primetime series after Kokak

Joyce Jimenez
Friday, January 27, 2012 @ 01:37PM  |  190 views

 

Sarah Lahbati will stage a Valentine concert with Derrick Monasterio and Enzo Pineda on February 14 in Geneva, Switzerland. She will be there for a week and will return to Manila to work on a primetime show.

Photo By: Noel Orsal













Sa Pebrero 9, Huwebes, ang alis nina Sarah Lahbati, Derrick Monasterio, at Enzo Pineda patungong Switzerland.

Matatandaan na kamakailan lang ay binanggit ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakatakda silang umalis para sa isang Valentine concert na gaganapin sa Geneva, Switzerland.

(CLICK HERE for related article)

Nakapanayam ng PEP at ilang entertainment press si Sarah kahapon, Enero 26, sa set ng Kokak sa Sevilla St., Brgy. Pedro Cruz, San Juan. Dito'y nagkuwento siya tungkol sa preparasyong ginagawa nila para sa concert.

"Last taping day po namin dito [Kokak] sa [Pebrero] 8, the next day, lipad na po ako.

"Kahapon [January 25], nakipag-meet ako with Direk Freddie Santos, tinutulungan niya po ako with the spiels, 'yong mga songs na pinili ko, kung paano 'yong areglo, 'tsaka kung paano ba yung pagkakasunud-sunod ng kanta."

WORK AND FUN. Ilan daw sa dapat abangan ng mga manonood sa kanilang Valentine concert sa Geneva ay ang dance numbers at duets na magsasalitan silang tatlo nina Derrick at Enzo.

Sigurado raw si Sarah na kikiligin sa lahat, lalo pa't kasama ang mga kaibigang taga-Morocco na pupunta roon, dahil marami sa kanila'y tagahanga rin nina Derrick at Enzo.

Nabanggit din niya sa amin na ang mga manonood ay "70 percent Filipinos, 'tapos 'yong iba Moroccans, tapos 'yong iba, close friends nila mom and dad. Iba-ibang lahi po talaga."

Samantala, isang linggo silang mamamalagi sa Switzerland kaya sabik na talaga si Sarah na makapagbakasyon at makitang muli ang kanyang ama.

Ang ama kasi ni Sarah ay isang Moroccan, habang ang kanyang ina naman ay Filipino.

Minsan lang dumalaw sa Pilipinas ang kanyang ama, kaya ang kanyang ina lang ang nakakasama niya.

Ano ba ang kanilang itinerary sa Switzerland?

Ayon kay Sarah, "After the concert, we have three or four days to rest and mag-snowboard, ski, and shop.

"Excited nga po ako kasi ang tagal ko nang hindi nakakapag-snowboard.

1  2  Next »

Related Articles

33 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name