"Pero ngayong hindi ko muna iniisip. Basta ngayon nasa Biritera ako at nagtatrabaho ako.
"Ayokong maapektuhan ng anumang personal decisions ko ang trabaho ko kasi pinaghihirapan ko ito."
ADMIRING ROSEANNE AND THE CAST. Natutuwa si Glaiza sa batang artista na si Roseanne dahil kahit baguhan daw ito ay talaga namang may ibubuga sa pagkanta at pag-arte.
"Nakakatuwa si Roseanne kasi sobrang raw niya e. It's something to look forward to na bata yung kumakanta."
Kumusta naman katrabaho si Angelika dela Cruz?
"Hindi pa kami nagkakaeksena pero I'm looking forward to acting with her kasi nakikita ko talaga na isa rin siyang intense na aktres. Yun ang mga gusto kong katrabaho."
Gumaganap naman bilang kontrabida nila ang isa sa best friends niya in real life na si Rich Asuncion.
"Nakakatuwa kasi aawayin niya ako dito. Aawayin din niya si Ate Angelika. Basta marami siyang aawayin."
Paano nila iha-handle yung mga awayang eksena nila?
"Basta enjoy lang. Pareho naman kaming professional.
"Minsan kasi mas nagiging effective yung isang eksena pag kilala mo talaga yung kaeksena mo, yung kabatuhan mo ng linya.
"Para at least napag-uusapan n'yo na yung mga sabunutan, sampalan. Kumbaga walang personalan, trabaho lang."
NOT TRANSFERRING TO ANOTHER NETWORK. Usung-uso ngayon ang lipatan ng networks, kaya natanong na rin ng PEP si Glaiza kung ano ang masasabi niya rito.
May ilang artista kasi na katulad niya na dating galing sa ABS-CBN pero lumipat ng GMA pagkatapos ngayon ay nagbabalik-Kapamilya na.
Siya ba hindi niya naiisip na bumalik din ng ABS-CBN?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
12 alexangel
11 amayaisthebest
10 merlion_25
9 dmdaisy
8 SimonLaplace1
7 agimat_20
6 horacio
5 jakar
4 henriettopex
3 tagaamparoako
2 exclusibo
1 Nangingitlog_ang_itlog