Luis Manzano on being chosen the new host of a popular game show: "Kung ano ang atake ko sa Pilipinas Got Talent, kung ano ang nagustuhan at na-e-enjoy ng tao sa akin sa pagho-host, siguro i-a-apply ko rin sa Deal Or No Deal," he says.

Photo: Noel Orsal


Maugong ang usap-usapan na si Luis Manzano raw ang susunod na host ng Deal or No Deal at kinumpirma naman ito ng ina niyang si Governor Vilma Santos. 

Unang naging host ng nasabing game show si Kris Aquino at balita na mismo ang TV host daw ang pumili kay Luis para pumalit sa kanya.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis kahapon sa telepono, kinumpirma nito ang balita.

"Napag-usapan na very soon sisimulan na.

"Wala pang definite date, pero ang sabi sa akin ay very soon.

"Kung ano ang atake ko sa Pilipinas Got Talent, kung ano ang nagustuhan at na-e-enjoy ng tao sa akin sa pagho-host, siguro i-a-apply ko rin sa Deal Or No Deal.

Sa interview kay Governor Vi, nalamang proud na proud ito sa anak niya, lalo't si Kris pala ang mismong pumili kay Luis na maging kapalit niya.

Ani Luis: "Siyempre I'm very happy because yung Mommy ko is very proud of me.

"Kris handled the show for so long. The fact that she [chose] me as [her] successor... makes me proud na mapagkatiwalaan nila ako sa ganung programa."

Ngayong araw ding ito ang huling episode ng E-Live na papalitan ng isang bagong showbiz talk show hosted by Carmina Villaroel, Janice de Belen, Joey Marquez at Ogie Diaz. 

Malungkot man si Luis sa pagkawala ng E-Live, ang importante para sa kanya ay ang pagkakaibigang nabuo sa mga host at staff ng show.

"Sabi nga nila, 'All things come to an end.'

"I think perfect yung sinabi ni Mama Og's dun sa isang tweet niya na kahit matatapos yung show, the friendship will always be there.

"Hindi lang sa mga hosts, sa mga writers, sa mga bosses, yun ang masaya dun, yung nabuo naming friendships sa E-Live."

ALTA SHELVED. Kinumpirma din sa amin ni Luis na shelved na talaga ang seryeng Alta.