news

Showtime bids farewell to madlang pipol?

by Nerisa Almo posted on January 28, 2012  STATS: 111851 Views | 359 Comments

"Dear Lord God, we just wanna thank you, for this journey. We thank you, Lord, for Showtime. We thank you for all the challenges, the triumphs, the laughter," said Anne Curtis (center) in her prayer during the "last episode" of the talent-search program on January 28.

Other thankful co-hosts in the "last episode" included: Vice Ganda, Vhong Navarro (left), Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza (right), Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.

Photo By: Noel Orsal


Nagpaalam na nga ba ang programang Showtime sa mga manonood ngayong Sabado, Enero 28?



Mahigit dalawang taon din ang tinagal ng talent-search show na ito, na nagsimula noong October 2009.

Matatandaan na nagsilbi ding filler ang show nang mawalan sandali ng noontime show ang ABS-CBN.



At nang mabalita kamakailan ang pagtatapos ng Happy Yipee Yehey! may mga espekulasyon na muling i-e-extend ang Showtime para punan ang noontime slot ng Kapamilya network.



Kaya naman marami ang nagulat dahil tila biglaan ang sinasabing last episode ng Showtime.



Bilang kapalit, ibabalik ng ABS-CBN ang Kapamilya Blockbuster sa
time slot na maiiwan ng nasabang programa.



Susundan ito ng panibagong teleserye na Mundo Man ay Magunaw.



Ang dalawang programa ay sabay na magsisimula sa Lunes, Enero 30.

LAST EPISODE? Sa umpisa ng show, bumati ang mga host nito na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.



Paulit-ulit nilang pinasasalamatan ang studio at home audience nila,
na kanilang binansagan na "madlang pipol."



Bagamat walang mga contestant, punung-puno pa rin ang programa ng mga performance mula sa kanilang mga nakaraang celebrity hurado.



Ito ay kinabibilangan nina Jed Madela, Vina Morales, Robert Sena,
Juris Fernandez, Nyoy Volante, Yeng Constantino, Jet Pangan, Sitti, at
Yael Yuzon.



Nagkaroon din ng dance production sina Iya Villania, Ryan Bang, at
Jhong Hilario.



Nagmistulang opening act ito ng show dahil kasabay nilang sumayaw ang mga host at studio audience.



Dumalo rin sa tinatatawag na "huling episode" ng Showtime sina Gladys Reyes at Dimples Romana, na dati ring naging hurado.



Samantala, sa pagitan ng mga segment gap, may video na ipinalabas kung saan tampok ang iba pang celebrity na nag-guest sa show at mga naging contestants nito.



May video rin kung saan ang Showtime dancers at iba pang staff ng show ay nagpahayag ng kanilang masasayang sandali sa programa.

THANK YOU, SHOWTIME. Sa huling gap, muling lumabas ang hosts ng show.

Sa puntong ito, nagbigay ng tribute ang bawat isa sa kani-kanilang mga co-host.



Naging emosyonal si Anne at napaiyak habang pinasasalamatan ang mga co-host at mga manonood.



Si Vhong naman ay naiyak din matapos gayahin si Billy sa kanyang
tanyag na dance step. Naging malapit silang dalawa dahil sa programa.

Napaiyak din si Vice dahil naging maganda raw ang pagtanggap ng Showtime sa kanya.



"Hinayaan ninyo akong maging ako. Wala kayong binago sa akin... Hindi n'yo ako kinukwestiyon at hindi n'yo ako hinuhusgahan," aniya.

Matapos magpasalamat si Vice ay kinantahan niya si Anne Curtis.

Inalay naman ni Anne ng "True Colors" ang kaniyang sister sa show na si Karylle.

Si Karylle naman ay nagpasalamat sa co-host niyang si Kuya Kim. Inalay niya ang kantang "You've Got a Friend" sa kanya.

Nagpasalamat naman si Kuya Kim dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga co-host.

Sinabi niya rin na noon ay in-underestimate niya si Jugs, at kinantahan naman niya ito ng "Let It Be."

Si Jugs naman ay pinasalamatan ang kapwa rock artist na si Teddy, na kanya ring kinantahan.

Nang si Teddy na ang magpapasalamat, hindi na siya nakapagsalita dahil sa sobrang pag-iyak.

Aniya, nalalapitan daw niya ang co-host na si Vhong: "Maasahan mo siya palagi, anytime," ani Teddy.

Tulad ni Teddy, naiyak din si Billy nang pasalamatan niya sina Vhong
at Vice, na inalayan niya ng isang sayaw.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

359 Comments

  • 19  Pedrohh

    01/28/2012 | 05:16 PM
    nag bye bye na din pala ang e-live? anong show ang papalit sinong mga hosts?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  amayabai

    01/28/2012 | 05:15 PM
    hindi lang naman GMA ang kalaban ng Kapampams eh. nanjan ang TV5 na kung minsan ay mas mataas pa nga ang ratings versus ABS-CBN. kaya ABS should stop pretending that they are number one kahit sa totoo lang hindi naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Pedrohh

    01/28/2012 | 05:13 PM
    i think ang showtime ang itapat sa eat bulaga tapos sempre i reformat nila may additional ek ek na gimik para naman di mapag iwanan sa eat bulaga... at ung na iwan na time slot ng showtime kapamilya blockbuster ang ipalit at ang HYY bye bye na.... na inis talaga ako kanina sa drama nila kaninag episode OA ang drama nila ni naman sila aalis ilipat lng ng bagong oras... na bibiwisit talaga ako hehee. sana naman ang pag reformat nila mag mga bonggang idea para naman di mapagiwanan sa eat bulaga hehhe pero watever solid kapamilya pa rin ako hehehhee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  exclusibo

    01/28/2012 | 05:11 PM
    Ni hindi nga manalo sa isang chef asa pang may mararating ang reformat na programang ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  fatedtoloveyou25

    01/28/2012 | 05:11 PM
    isang GIMIK kng bkit cla nag iiyakan...or ayaw nilang tumapat sa eat bulaga..kc alam nila n mahihirapan cla bumangga..ke chef lng biglang bagsak cla eh...sa eat bulaga pa kya..pero napansin ko lng sunod sunod ang pag tigbak ng palabas nla..knina nagpaalam n ang e-live..at ang ipapalit ung 3 na galing ng kapuso..ibig sabihin magaling tlga ang artista ng gma...isipin mo mga sikat ng abs pinalitan ng kapuso dati...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  horacio

    01/28/2012 | 05:09 PM
    number 8...wag na naman ma bwesit sa show mo ano ka ba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  horacio

    01/28/2012 | 05:07 PM
    eh kase nga di ba itatapat sa eb so xempre kahit papano eh pagagandahin naman at siguro dagdagan na rin ng iba pang segments para naman kahit papano eh di masyado maiwanan ng eb he he he
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  saudiarabia11

    01/28/2012 | 05:05 PM
    nagiiyakan sa showtime kanina dahil itatapat sila sa EB at lalo silang malulugmok kaya sobrang draman kanina... mas lalo pa silang mababaon kaya sila nagiiyakan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kapamilyaguy

    01/28/2012 | 05:02 PM
    Ang kulit naman nitong si amayabai, sinabi nang hindi matsutsugi eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  amayabai

    01/28/2012 | 04:59 PM
    nagdududa na talaga ako dun sa mga sinasabi nilang super sikat stars at box office king and queens daw ng Dos. Anne Curtis, Vice Ganda, Toni Gonzaga hello? what happened? anong lusot nyo ngayon kapamfans?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilyaguy

    01/28/2012 | 04:59 PM
    Amayabai, sorry di naman ito ang matsutsugi kundi ang HYY. Hindi ito basta matsutsugi, nasa 100 plus ang commercials nito araw-araw, matsutsugi? Ang HYY ang matsutsugi at ito ang itatapat sa EB. Kaya wag magbunyi mga Kapuso! Ang nakakainis dito sa showtime kanina, overly dramatic eh hindi naman matsutsugi, kung maka gimik naman! bwisit!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • datuputi

    01/28/2012 | 04:57 PM
    oa masyado....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • amayabai

    01/28/2012 | 04:53 PM
    tsugi dahil lugi. ganun lang ka simple. and yet again, talaga namang proven na hindi credible ang Kantar ratings.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • amayabai

    01/28/2012 | 04:50 PM
    pinagsama sama na ang mga sinasabing sikat na artista ng Dos sa Showtime at Happy Yipee Yehey, pero ganun talaga eh. mas mananaig pa rin ang ratings ng AGB, ang totoong ratings.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pep_reader_online_dubai

    01/28/2012 | 04:49 PM
    i like showtime but i find their episode today overly dramatic... good luck to them. i hope they can sustain their success especially now that the ratings, both AGB and KANTAR shows that they can't cope with Chef Boy and Kapuso Movie Festival. Much more now, they will go head to head with Eat Bulaga.... really, it is no joke. I hope their style of today's episode will be of help to them.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wehhhhhhhhh

    01/28/2012 | 04:49 PM
    jakar...relax ka lang......hwag kang atat...basig masiga imo mata...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    01/28/2012 | 04:48 PM
    gimik...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    01/28/2012 | 04:45 PM
    ha????no.1 sa kantar to ah...parang HYY lang...lmao
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About