news

Showtime bids farewell to madlang pipol?

by Nerisa Almo posted on January 28, 2012  STATS: 111853 Views | 359 Comments

"Dear Lord God, we just wanna thank you, for this journey. We thank you, Lord, for Showtime. We thank you for all the challenges, the triumphs, the laughter," said Anne Curtis (center) in her prayer during the "last episode" of the talent-search program on January 28.

Other thankful co-hosts in the "last episode" included: Vice Ganda, Vhong Navarro (left), Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza (right), Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.

Photo By: Noel Orsal


Nagpaalam na nga ba ang programang Showtime sa mga manonood ngayong Sabado, Enero 28?



Mahigit dalawang taon din ang tinagal ng talent-search show na ito, na nagsimula noong October 2009.

Matatandaan na nagsilbi ding filler ang show nang mawalan sandali ng noontime show ang ABS-CBN.



At nang mabalita kamakailan ang pagtatapos ng Happy Yipee Yehey! may mga espekulasyon na muling i-e-extend ang Showtime para punan ang noontime slot ng Kapamilya network.



Kaya naman marami ang nagulat dahil tila biglaan ang sinasabing last episode ng Showtime.



Bilang kapalit, ibabalik ng ABS-CBN ang Kapamilya Blockbuster sa
time slot na maiiwan ng nasabang programa.



Susundan ito ng panibagong teleserye na Mundo Man ay Magunaw.



Ang dalawang programa ay sabay na magsisimula sa Lunes, Enero 30.

LAST EPISODE? Sa umpisa ng show, bumati ang mga host nito na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.



Paulit-ulit nilang pinasasalamatan ang studio at home audience nila,
na kanilang binansagan na "madlang pipol."



Bagamat walang mga contestant, punung-puno pa rin ang programa ng mga performance mula sa kanilang mga nakaraang celebrity hurado.



Ito ay kinabibilangan nina Jed Madela, Vina Morales, Robert Sena,
Juris Fernandez, Nyoy Volante, Yeng Constantino, Jet Pangan, Sitti, at
Yael Yuzon.



Nagkaroon din ng dance production sina Iya Villania, Ryan Bang, at
Jhong Hilario.



Nagmistulang opening act ito ng show dahil kasabay nilang sumayaw ang mga host at studio audience.



Dumalo rin sa tinatatawag na "huling episode" ng Showtime sina Gladys Reyes at Dimples Romana, na dati ring naging hurado.



Samantala, sa pagitan ng mga segment gap, may video na ipinalabas kung saan tampok ang iba pang celebrity na nag-guest sa show at mga naging contestants nito.



May video rin kung saan ang Showtime dancers at iba pang staff ng show ay nagpahayag ng kanilang masasayang sandali sa programa.

THANK YOU, SHOWTIME. Sa huling gap, muling lumabas ang hosts ng show.

Sa puntong ito, nagbigay ng tribute ang bawat isa sa kani-kanilang mga co-host.



Naging emosyonal si Anne at napaiyak habang pinasasalamatan ang mga co-host at mga manonood.



Si Vhong naman ay naiyak din matapos gayahin si Billy sa kanyang
tanyag na dance step. Naging malapit silang dalawa dahil sa programa.

Napaiyak din si Vice dahil naging maganda raw ang pagtanggap ng Showtime sa kanya.



"Hinayaan ninyo akong maging ako. Wala kayong binago sa akin... Hindi n'yo ako kinukwestiyon at hindi n'yo ako hinuhusgahan," aniya.

Matapos magpasalamat si Vice ay kinantahan niya si Anne Curtis.

Inalay naman ni Anne ng "True Colors" ang kaniyang sister sa show na si Karylle.

Si Karylle naman ay nagpasalamat sa co-host niyang si Kuya Kim. Inalay niya ang kantang "You've Got a Friend" sa kanya.

Nagpasalamat naman si Kuya Kim dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga co-host.

Sinabi niya rin na noon ay in-underestimate niya si Jugs, at kinantahan naman niya ito ng "Let It Be."

Si Jugs naman ay pinasalamatan ang kapwa rock artist na si Teddy, na kanya ring kinantahan.

Nang si Teddy na ang magpapasalamat, hindi na siya nakapagsalita dahil sa sobrang pag-iyak.

Aniya, nalalapitan daw niya ang co-host na si Vhong: "Maasahan mo siya palagi, anytime," ani Teddy.

Tulad ni Teddy, naiyak din si Billy nang pasalamatan niya sina Vhong
at Vice, na inalayan niya ng isang sayaw.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

359 Comments

  • 359  frida_kadiff

    05/31/2012 | 04:10 PM
    what happened to showtime? they are showing nba games via satellite now.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 358  champion_0105

    02/14/2012 | 05:45 PM
    number 345 nagpalit nga ang GMA ng SOP at Nagpataob lang naman sa ASAP ang PARTY PILIPINAS!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 357  BopolEngot

    02/07/2012 | 12:22 PM
    ah eto rin ba ang kapalit. nyahahhaha lamang iyakan ulit sila nyan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 356  enjoylang

    02/06/2012 | 01:23 AM
    mag-sign off nalang ang abs cbn pag lunchtime. they're wasting money lang because eat bulaga is eat bulaga. gabby lopez, hanggang ngayon ba hindi nyo pa ma-get that dapat mag sign off kayo pag eat bulaga katapat nyo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 355  brainful_than_brainful

    02/05/2012 | 03:04 AM
    Ngayon lang ako nakita na nagreformat at inilipat ang show sa ibang timeslot na may todo gimik ala iyakan, pasalamatang plastikan...kung may dapat mag iyakan at magbigay ng pasasalamat ay ang nadedo na api, ipis, kalurkey.... hahaha....ng gmik gagawin para makakuha ng atensiyon haha....basta ngayon pebrero si FEB - forever eat bulaga.... may magpapapaalam na namn na noontime show in the coming months...does it ring a bell
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 354  jundem

    02/04/2012 | 11:26 PM
    Hayaan niyo na lang.... kasi kahit showtime lang yan... pinataob naman nila ang pinagmamalaki ng GMA na DIZ IS IT?.... hope you can still remember... at may pumalit pa nun di ba?.... It is not the ratings that matters most, ang importante maka pagpasaya ka ng tao.... By the way, please be informed that EB ay hindi pag aari ng GMA... under TAPE Production po ito... sa simpling salita... Gumawa muna kayo ng dikalidad na noon time show na talagang gawa ng GMA bago kayo mangla-it ng ibang show... Baka sa makalawa kukunin na ang EB niyo ni Manny Pangilinan... anong mangyayari sa GMA?.... binta na...hahhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 353  mamabelen4

    02/03/2012 | 05:42 AM
    echos lang pala...lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 352  Lokotoy

    02/02/2012 | 06:02 AM
    Wrong move ito na itapat sa EB . After few months babu na to sa ere for good.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 351  mariankimfan1

    02/01/2012 | 10:34 PM
    bakit nagdrama pa, eh ibabalik pa naman pala. bakit hindi nilang nila prinomote yung bagong concept, kasa sa drama. i don't get it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 350  leedemi

    01/31/2012 | 01:54 PM
    Huwag naman sanang tanggalin ang Showtime kung di sila makalevel sa Eat Bulaga. Ito lang ang show na masaya bago ang mga dramas. Nakatutulong naman sila sa mga tao at ang mga hosts ay hindi payabangan. I like the atmosphere in this show everybody can show their entertaining capabilities. Like gusto ba ninyong sumikat o magpasikat, hindi ba ito yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 349  Monicafer

    01/31/2012 | 05:56 AM
    Sana naman magkaroon ng bagong show sina Randy. Para naman kasing ginamit lang sila ng ABS-CBN para saktan si Willie. Meron kaya silang pinirmahang kontrata, para kahit paano meron silang pagkakakitaan. Si Randy ay total entertainer at kayang-kayang magdala ng show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 348  userfriendly23

    01/30/2012 | 07:54 PM
    nkakatuwa tlga ang mga kapuso kng mkalait kla mo kung cnu... gnya ba tlga cla... prng wlang pnagaralan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 347  agiladlad

    01/30/2012 | 03:24 PM
    wag na nating laiitin c anne curtis dapat pa ngang pasalamatan sya kasi dahil sa kanya hindi na nakakahiyang KUMANTA!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 346  bignetworkwars

    01/30/2012 | 12:59 PM
    GMA Artists nagooberdabakod na kasi palubog na ang GMA network. Puro walang kwentang shows, puro fantaseryeng walang istorya, puro artistang bano umarte.. sus... Madaming aabangang bagong shows sa Kapamilya network. Kaya ang mga Kapuso dito sa Pep todo bantay sa mga nagaganap... Aminin, kaya puro nega ang comments, kasi kinakabahan na... ahahhaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 345  bignetworkwars

    01/30/2012 | 12:56 PM
    No. 341, parang hindi nangyari sa bakuran ng GMA ang ganyang drama na sinasabi mo?? Remember SOP na pinalitan lang ng Party Pilipinas, pero ala pa din namang kwenta.. hahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 344  bignetworkwars

    01/30/2012 | 12:54 PM
    Sa mga KAPUSO na matyagang nag-aabang nga mga pangyayari sa KAPAMILYA Network, humanda kayo sa mga malalaking shows ng ABS-CBN. Kinakabahan na ang mga walang kwentang Kapuso kasi EB lang naman talaga ang superduper ang rating sa istasyon nila kaya yun lang ang kaya nilang ipagmalaki, to think na hindi naman ito produced ng GMA. hahaha... ABANGAN din ang PAGBABALIK-KAPAMILYA ng madami pang artista dahil nararamdaman na nila ang unti unting paglubog ng GMA Network...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 343  Uripon

    01/30/2012 | 12:39 PM
    comment 336, oo nga ano? bakit ang baba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 342  angel_kapalmukz

    01/30/2012 | 11:08 AM
    Haay naku... mawawala na din pala Happy Yipee Yehey at ang papalit ay nireformat na Showtime. Yan na nga ba ang sinasabi ni Willie kina Randy at John eh. Siguradong matatalo din ng Eat Bulaga ang noontime show nila... nasira pa ang friendship nila. Kung noong Showtime pa sila eh hindi ko pinapanood, eh di lalo na ngayong tatapat sila sa EB. I love Eat bulaga... ang saya-saya, nakakaaliw ang Pinoy Henyo at Juan for All! Saka iba talaga ang tandem nina Vic at Joey, Wally at Jose!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 341  onewithkapsuo

    01/30/2012 | 08:34 AM
    ang pinaka ka oa sa kadramahan na show! as in mega kuha ng simpatya ng manonood! kalurkey! kala mo naman mawawala na sa ere eh amg reformat lang at pantapat sa number one noontime show ng bansa ang eat bulaga! wohooo! dapat nga tigukin an totally tong show na itech! hahahaha!.....san na ba mga nanalo dito? hahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 340  MissHugoBacungan

    01/30/2012 | 06:45 AM
    Pinakikita lang ng management ng ABS CBN na ang UNA nilang consideration ay ang PERA bago ang kapakanan ng mga contestants na gustong magpasikat o sumikat! Gagawin ng lahat ng Kapamilya para sa pera. Imagine, stop muna ang opportunity ng mga contestants, dahil gusto lang ng management ng ABS na ipalit sa noontime show ang Showtime. Nakakahiya, lahat gagamitin ng dos para sa pera, kahit na magkagulo gulo ang schedule ng mga kalahok!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About