news

Showtime bids farewell to madlang pipol?

by Nerisa Almo posted on January 28, 2012  STATS: 111885 Views | 359 Comments

"Dear Lord God, we just wanna thank you, for this journey. We thank you, Lord, for Showtime. We thank you for all the challenges, the triumphs, the laughter," said Anne Curtis (center) in her prayer during the "last episode" of the talent-search program on January 28.

Other thankful co-hosts in the "last episode" included: Vice Ganda, Vhong Navarro (left), Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza (right), Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.

Photo By: Noel Orsal


Nagpaalam na nga ba ang programang Showtime sa mga manonood ngayong Sabado, Enero 28?



Mahigit dalawang taon din ang tinagal ng talent-search show na ito, na nagsimula noong October 2009.

Matatandaan na nagsilbi ding filler ang show nang mawalan sandali ng noontime show ang ABS-CBN.



At nang mabalita kamakailan ang pagtatapos ng Happy Yipee Yehey! may mga espekulasyon na muling i-e-extend ang Showtime para punan ang noontime slot ng Kapamilya network.



Kaya naman marami ang nagulat dahil tila biglaan ang sinasabing last episode ng Showtime.



Bilang kapalit, ibabalik ng ABS-CBN ang Kapamilya Blockbuster sa
time slot na maiiwan ng nasabang programa.



Susundan ito ng panibagong teleserye na Mundo Man ay Magunaw.



Ang dalawang programa ay sabay na magsisimula sa Lunes, Enero 30.

LAST EPISODE? Sa umpisa ng show, bumati ang mga host nito na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.



Paulit-ulit nilang pinasasalamatan ang studio at home audience nila,
na kanilang binansagan na "madlang pipol."



Bagamat walang mga contestant, punung-puno pa rin ang programa ng mga performance mula sa kanilang mga nakaraang celebrity hurado.



Ito ay kinabibilangan nina Jed Madela, Vina Morales, Robert Sena,
Juris Fernandez, Nyoy Volante, Yeng Constantino, Jet Pangan, Sitti, at
Yael Yuzon.



Nagkaroon din ng dance production sina Iya Villania, Ryan Bang, at
Jhong Hilario.



Nagmistulang opening act ito ng show dahil kasabay nilang sumayaw ang mga host at studio audience.



Dumalo rin sa tinatatawag na "huling episode" ng Showtime sina Gladys Reyes at Dimples Romana, na dati ring naging hurado.



Samantala, sa pagitan ng mga segment gap, may video na ipinalabas kung saan tampok ang iba pang celebrity na nag-guest sa show at mga naging contestants nito.



May video rin kung saan ang Showtime dancers at iba pang staff ng show ay nagpahayag ng kanilang masasayang sandali sa programa.

THANK YOU, SHOWTIME. Sa huling gap, muling lumabas ang hosts ng show.

Sa puntong ito, nagbigay ng tribute ang bawat isa sa kani-kanilang mga co-host.



Naging emosyonal si Anne at napaiyak habang pinasasalamatan ang mga co-host at mga manonood.



Si Vhong naman ay naiyak din matapos gayahin si Billy sa kanyang
tanyag na dance step. Naging malapit silang dalawa dahil sa programa.

Napaiyak din si Vice dahil naging maganda raw ang pagtanggap ng Showtime sa kanya.



"Hinayaan ninyo akong maging ako. Wala kayong binago sa akin... Hindi n'yo ako kinukwestiyon at hindi n'yo ako hinuhusgahan," aniya.

Matapos magpasalamat si Vice ay kinantahan niya si Anne Curtis.

Inalay naman ni Anne ng "True Colors" ang kaniyang sister sa show na si Karylle.

Si Karylle naman ay nagpasalamat sa co-host niyang si Kuya Kim. Inalay niya ang kantang "You've Got a Friend" sa kanya.

Nagpasalamat naman si Kuya Kim dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga co-host.

Sinabi niya rin na noon ay in-underestimate niya si Jugs, at kinantahan naman niya ito ng "Let It Be."

Si Jugs naman ay pinasalamatan ang kapwa rock artist na si Teddy, na kanya ring kinantahan.

Nang si Teddy na ang magpapasalamat, hindi na siya nakapagsalita dahil sa sobrang pag-iyak.

Aniya, nalalapitan daw niya ang co-host na si Vhong: "Maasahan mo siya palagi, anytime," ani Teddy.

Tulad ni Teddy, naiyak din si Billy nang pasalamatan niya sina Vhong
at Vice, na inalayan niya ng isang sayaw.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

359 Comments

  • 79  agb_10

    01/28/2012 | 06:02 PM
    pedrohh wag mo ng intayin dahil matutuluyan....thank u showtime such a waste of time hahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  Pedrohh

    01/28/2012 | 05:59 PM
    number 66 hintayin na lng natin hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  agb_10

    01/28/2012 | 05:59 PM
    bye bye hyy, e-live, showtime, gandang vice, wansapanataym, kaw ang pag ibig, reputasyon, binondo at elisa....ano pa kya ang susunod!!! i like super like hahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  AVISALA_kapusO

    01/28/2012 | 05:57 PM
    kapamilyaguy..post number 64 ehh kung ganon kapamilya eh bakit di kayo gagawa ng movie 5 times per month ang star cinema ehh alam nmn pala nila na mas malaki ang kita ng movie nila kuno kompara sa tv station na halos naglaglgn n ang mga shows aber..hahayyyyy magsisinungling ka lng nmn sana covincing hah wag halatang gawa x2 mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  amayabai

    01/28/2012 | 05:57 PM
    speaking of movies, 100 Billion daw ang kita ng Cactus Heart ang ikalawang yugto ng Thelma, according to Star Cinema. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  malaya2007

    01/28/2012 | 05:56 PM
    reformatting sila, baka ibabalik ang show for wives gaya nung teysi ng tahanan, informative, nakakasawa na rin kasi ang puro contest eh,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  agb_10

    01/28/2012 | 05:55 PM
    perdohh check mo kung cno mas bitter s mga comments mo hahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  amayabai

    01/28/2012 | 05:54 PM
    sana pinasikat man lang ng ABSCBN si jewel miche bago kinuha si iza calzado. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  agb_10

    01/28/2012 | 05:54 PM
    kapamilyaguy oooppppsss showtime tayo wag mong isama movie plssss...sabihin mo olats n talga wag k ng magpaliwanag p...talo is talo yun lang po...i remember nagbunyi ang lahat ng mawala s ere ang SIS ngayon its time to short time hahaha!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  Pedrohh

    01/28/2012 | 05:53 PM
    number 147 for ur info kahit solid ako kapamilya hindi one sided utak ko kasi nagpakatototoo ako di kagaya niyo kaposoy kahit pangit ang shows niyo pilit niyo ipagtanggol....basta lng may masabi kayo..... ganyan lng yan eh both network may pangit at maganda na shows... pero kahit anong mangyari solid kapamilya pa rin ako hehhehee kaya i respect na lng natin ang chocie sa bawat isa pwd tayo mag comment but pls dnt below d belt na sobrang bitter ng bonggang bongga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  amayabai

    01/28/2012 | 05:53 PM
    mga Kapuso artists nalang ang pag asa ng ABSCBN. i thank you, bow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  AVISALA_kapusO

    01/28/2012 | 05:51 PM
    correction sa post ko number 61 1995-present not 1195- present nwrong type..sorry...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  amayabai

    01/28/2012 | 05:51 PM
    nag iiyakan ang mga so-called box office king and queens and supersikat stars daw, tsugi na nga ang show, marami pang gma artists nagsidatingan sa channel chew. abscbn is so mean, wala talagang puso! marami nang frozen delight stars, priority pa ni gabby lopez ang mga pirated GMA stars. tsk tsk tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  agb_10

    01/28/2012 | 05:50 PM
    pedrohh- ang FACT eh matutuluyan lalo s EB ang itatapat nilang nireformat kuno hahahaha...yan ang FACT!!! wait mo...eh di sana itinapat ng dos eh movie din kaso ganun parin olats parin hahaha...wait s kantar dbah nagrerate ang showtime mmmmmmm y kaya nasibak o nagreformat??? all i can say bye bye!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  saudiarabia11

    01/28/2012 | 05:50 PM
    45 nanood ka ba ng AMAYA.... kung hindi mo alam ang AMAYA wag ka ng mag comment dahi mapapahiya ka lang..... wala kang alam sa AMAYA kaya sori ka na lang MAPAPAHIYA ka lang at di ko na dapat ipaliwanag sa iyo... may masabi ka lang.. nakakaawa ka naman!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  kapamilyaguy

    01/28/2012 | 05:50 PM
    At huwag kwestyunin ang supremacy ng Star Cinema! Dahil si GOZON na mismo ang nagsabi na mas magaling ang Star Cinema kesa sa GMA films. Bulag-bulagan talaga sobra ang mga kapuso dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  strawberry22

    01/28/2012 | 05:49 PM
    nagbuhbye na ba sila? bakit hindi na lang sinabi na last episode kung last na talaga? wala na bang ratings showtime? ang happy yipee yehey oo talagang wala pero ang showtime dami nanonood dyan saka dami lagi nag audition
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  kapamilyaguy

    01/28/2012 | 05:48 PM
    Ang natitigbak na shows naman sa ABS-CBN eh yung mahihina sa Kantar. HYY at Elive, mahihina talaga kahit sa nationwide ratings. At sa primetime, talaga 5-6 months lang ang itinatagal ng teleseryes ng ABS dahil marami silang artista at iba pang shows na nakaline-up. Wag isama ang GGV dahil hindi ratings ang problema nito kundi mismong ang host.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  AVISALA_kapusO

    01/28/2012 | 05:48 PM
    amayabai post number 40 tama ka..yan ang dahilan kung bakit nanatili ang EAT BULAGA sa gma7...from 1195-present iang years na kaya yon di ko mabilang..samatala ang eat bulaga ay nanatili sa ABS-cbn noong january 1989-december 31-1994 ay 6 years lang ksi sugapa c lopettttzzptes gusto bilhin ang eat bulaga mula sa tape inc..which yan ang malaking pagkakamali ni lopetzzzpetss..hayan ng pull out ng eat bulaga mula sa dos..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  chikorita_pikachu

    01/28/2012 | 05:47 PM
    basta tatak abs.........puro ka-dramahan! haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About